Grabe ang pagmamahal ng dating Net 25 newscaster, Star Magic talent at Philippine Socialite na si Eduard Banez sa
kanyang ina na si Mommy Zarina Banez.
Masaya siya dahil maayos ang relasyon nilang mag-ina.
“Oo naman. Okey
naman kami at lately lagi
kaming dalawa na magkasama. Kahit na minsan ay may conflict kami sa mga decision pero full support naman na siya sa akin .
Naga-adjust parin sya ng konti kasi bago pa siya sa arts. At least naturuan ko
s’ya. Love na love ko ang mom ko,” bulalas ni Eduard na namamalagi ngayon sa Los Angeles, California.
“Sa
showbiz, full support siya sa akin. As
in binibiro ko nga minsan mag- showbiz na rin sya. Oo naman daw hehehe,” dagdag
pa niya.
Paano
nila ipinagdiriwang ngayon ang Mother’s Day?
“Ngayon nandito
kami sa family friend namin sa church. May baby shower
Nag
-double celebrate na kami ng Mother’s Day ngayon at nu’ng isang araw kumain
kami ng Korean Barbeque,” kuwento pa
niya.
Ano ang mensahe niya kay Mommy Zarina?
“Happy
Mother’s Day to you mama. Kahit lagi
tayong may conflict sa mga decisions, eh love na love kita . Sana ay lalo pang maging strong ang family natin kahit lagi
malayo si Papa. I love you Mom and Dad. Love love love,” pakli ni Eduard.
Samantala, merong show sa America si Eduard thru Youtube at KXLA 44 channel. Co -host siya ng
Manila Sands Today with Nelson Trinidad
at kumakanta rin siya.Bongga!