Saturday, May 13, 2017

EDUARD BANEZ, GRABE ANG PAGMAMAHAL SA INA!


Grabe ang pagmamahal   ng  dating Net 25 newscaster,  Star Magic talent at Philippine Socialite  na si Eduard Banez  sa kanyang  ina na si Mommy Zarina Banez.
Masaya siya  dahil maayos    ang relasyon nilang mag-ina.
“Oo  naman. Okey  naman kami at lately lagi  kaming  dalawa  na magkasama. Kahit na minsan ay may  conflict kami sa mga decision pero  full support naman na siya sa akin . Naga-adjust parin sya ng konti kasi bago pa siya sa arts. At least naturuan ko s’ya. Love na love ko ang mom ko,”  bulalas  ni Eduard na namamalagi ngayon sa Los Angeles, California.
“Sa showbiz,  full support siya sa akin. As in binibiro ko nga minsan mag- showbiz na rin sya. Oo naman daw hehehe,” dagdag pa niya.
Paano nila ipinagdiriwang ngayon ang Mother’s Day?
“Ngayon  nandito  kami sa family friend namin sa church. May baby shower
Nag -double celebrate na kami ng Mother’s Day ngayon at nu’ng isang araw kumain kami  ng Korean Barbeque,” kuwento pa niya.
 Ano ang mensahe niya kay Mommy Zarina?
“Happy Mother’s Day to you mama.  Kahit lagi tayong  may  conflict sa  mga decisions, eh love na love kita . Sana ay  lalo pang  maging strong ang family natin kahit lagi malayo si Papa. I love you Mom and Dad. Love love love,” pakli ni Eduard.
Samantala,  merong show sa America si Eduard  thru Youtube at  KXLA 44 channel. Co -host  siya ng  Manila Sands Today  with Nelson Trinidad at kumakanta rin siya.
Bongga!