Wednesday, May 25, 2016

EDUARD BANEZ, NAGBUBUNYI SA FIRST TRANSGENDER NA NAG-UWI NG KARANGALAN SA PINAS!

First transgender si Angel Bonilla na nag-uwi ng karangalan  sa Pilipinas pagdating sa pagkanta.
Hindi  siya nabigo na magkaroon ng puwesto bilang kinatawan ng  ating bansa  sa Discovery International Pop Music Festival sa Europe ( Varna, Bulgaria) nu’ng May 22 para sa Best Song, Best Singer.
“Out of 57 countries Philippines placed 2nd runner up. This is for you Philippines and to my LGBT family..Thank you to all the people who helped me.. Mabuhay po ang Pilipinas!, “pagmamalaking post ng Fil-Am Transgender.
” I dedicate this award to my beloved country, The Philippines. This award represents my blood and talent and of course the unity of OFW who helped me, believed in me and voted for me! This award represents my country, our unity and the change of the Philippines,” dagdag pa ni Angel.

Nasungkit ng Bulgaria ang grand champion.  First runner up ang  Romania at Malta at   2nd runner up ang   Philippines at  Russia.
Tumanggap din  si Angel  ng special award  na Individualism Award na ang ibig sabihin ay may originality o may sariling identity as an artist.
Tunay  na Pinoy proud si Angel  at sobra ang kasiyahan ng kanyang mentor, Net 25 newscaster, Philippine Socialite at produkto ng Star Magic na si Eduard Banez.


“ We  dedicate this award to all the people in the Philippines who are united in solidarity. I would like to thank all  OFW who believe in my friend and helped her to pursue her dreams. The unity of  Filipinos is shown by all who voted for her and believed in her talent. Congratulations Angel for getting 2nd runner up out of 57 countries who battles International Pop festival. Mabuhay Angel. Mabuhay Pilipinas,” mensahe ni Eduard.

Mula pa lang sa umpisa ng laban ni Angel ay nandyan na at nakasuporta si Eduard.  Ipinagmamalaki niya ang mga transgender dahil hindi lang sa Kongreso / politika umaariba kundi pati sa entertainment.
Nagbubunyi ang LGBT sa  tagumpay ni Angel. Kahit ang Reyna Sireyna   na si Francine Garcia ay nagbigay pugay kay Angel. Buong ningning niyang tinatalakay ito sa kanyang Facebook Live at tuwang-tuwa  siya na may isang transgender na nagdala ng mapa ng Pilipinas sa ibang bansa. 


No comments:

Post a Comment