Sunday, June 12, 2016

'Parang separation lang ng church and state ang peg'- Eduard Banez

Naaliw ang Net 25 newscaster, Philippine Socialite at produkto ng Star Magic na si Eduard Banez kina Arnell Ignacio at Jobert Sucaldito.Parehong malapit sa puso niya ang dalawang ito.
Nag-post  si Jobert  sa kanyang Facebook Account ng “I am sorry about that but i had to block you dear friend Arnelli Ignacio dahil sa sobrang pagka-OA mo sa pagdi-defend sa idolo mong si Duterte. Kahit mali pilit mong tinatama. Ayokong mandiri sa iyo kaya for us to remain friends, might as well block you para di ako mabuwisit. Mas makabubuting huwag kitang mabasa sa mga opinyon mo kaysa habambuhay tayo manggigil sa isa't isa. Tama naman, di ba?”
Sumagot naman si Arnell sa kanyang Facebook Account ng  “To my dear friend Jobert Sucaldito. Nauunawaan ko. Lam ko maiinis ka sa pag-defend ko kay President Duterte but i know you know how strongly i stand up for what i believe in and fiercely i believe in the Presidents national resolve. Kaya mas ok nga yun. But of course we will remain friends in a platform more genuine than Facebook. Labs you my friend. Basta sa text naman hindi ako blocked di ba hehehe”
Dagdag pa ni Arnelli “Mahal ko ‘yang si Jobert kaya kahit yung "buwisit" niya sa akin  nirerespeto ko rin.  Ganyan lang talaga buhay namin. Si Nanay Cristy at Jobert e matagal na pinagsamahan namin. kay a kapag galit sila e mahal ko pa rin sila.
“Mahal ko talaga ‘yang si Jobert. parang Duterte rin ‘yan sa tapang.
E, ako bargas din eh pero kapag mahal ko e sige lang. Mas nangingibabaw ‘yun. Parte ng buhay. After niyan kita mo mas sweet pa kami,” sambit pa ni Arnelli.
“Friendship still remains Jobert Sucaldito and  Arnell  Ignacio. Parang separation lang ng church and state ang peg..hehehe love you both. You are both very intelligent in terms of entertainment and politics.. Kasabihan nga friendship and bussiness should be separate. :-),”post  naman ni Eduard sa Facebook niya
Agree din si Eduard sa ‘block’  issue sa kanila. Ang importante ay nagkakaunawaan sla sa iisa’t sa at nandiyan ang respeto  .  Go lang daw kung ano ang gusto ng bawat isa at i-enjoy lang ang buhay. Very realistic raw ang nangyari. Ang mga honest n tao gaya ni Jobert lang daw ang makakagawa ng ganyan.

No comments:

Post a Comment