Friday, April 28, 2017

CLIFFORD ALLEN ESTRALA, ASIA'S SINGING SENSATION, HUMAHATAW


Matatandaan na na-nominate ang  Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala sa PMPC Star Awards for Music bilang Best New  Male Recording Artist nu’ng  2013 para sa album niyang “Only In My Dreams’. Dating nagtatrabaho si Clifford sa Venetian  Hotel sa Macau at na-feature sa MMK ang kanyang life story na ginampanan ni Erik Santos bilang OFW singer.
Marami na naman daw siyang maibabahaging kuwento ng kanyang buhay  sa pakikipagsapalaran  sa Amerika pag nagkaroon ng  part 2  ang kanyang life story  na puwedeng i-feature sa "Maalaala Mo Kaya" o kaya ay sa "Magpakailanman". 
Successful ang mga shows ni Clifford  sa Palawan , Cebu, Davao Puerto Galera  sa tulong ni Mr. Alejo Bryan Fajardo na taga Tagudin Ilocos Sur.
Pagkatapos ng  kanyang mga shows  ay dumiretao siya  sa Batac,  Ilocos Norte para sa kanya photo shoot na  sponsors ng Spaceydreams from California (www.spaceydreams.com and spaceydreams.bigcartel.com ).

Kinunan siya ng  Photographer Edition ni  Olalo Adzuara at kanyang stylist na si   Jay "Arjay" Asuncion . May kuha rin siya na naka- tattoo  sa magaling  na tattoo artists   na sina  Kristian Bumatay at  Kenneth  Andres ng Santiago, Ilocos Sur
Hindi niya sinayang ang pag-stay niya sa Pilipinas dahil nag-Holy week vacation  si  Clifford kapiling ang kanyang pamilya sa Santiago , Ilocos Sur.
Bumalik na siya ngayon sa San Jose, California dahil may malaki siyang show roon.

No comments:

Post a Comment