Isang memorableng bakasyon ang naganap sa Vigan,
Ilocos Sur kasama sina Kakai Bautista,
DJ Jhai Ho at mga movie press.
Handog ito ng Beautederm CEO at President na si Ma’am
Rhea Anicoche Tan.
Tigil muna ang eksena sa magulong showbiz dahil mistulang pamilya na namasyal, sama-samang kumain ,
nagkantahan, gumimik at nag-inuman.
Kahit sina kakai, DJ Jhai Ho nakisama,nakipag-bonding sa media at kay Ma’am Rei. Nagtiwala rin sila
sa mga off the record na tsikahan.
Organisado , masisipag at mahusay mag-asikaso ang mga staff ni Ma’am
Rei sa pangunguna nina GM Mylene Timbol,Marianne de Guzman ,Chona Lee,
Angelica Manabat Bongco, Cris Dane,
Doreen GCanyong, EJ Miranda (Baby Boy),
Jennifer Ninal , Bryan Kyle Donato at Eazel
Puno.
Tatlong araw na pagliliwaliw,alagang Beautederm at pasarap sa buhay ang nangyari. Bagay ang lyrics sa theme song
ng Beautederm na gaganda ang buhay mo dahil todo saya ang nangyari.
Kapuri -puri na pagdaan pa lang sa Beautederm Headquarters sa Angeles City, nagbigay sila ng mga swak sa travel gaya ng Etre Clair mouthwash, Caress Ethyl Alcohol, Belle Dolls Zero Filter Sunscreen facial mist, Belle dolls Zero Filter lightweight sunscreen SPF45. Saludo kami dahil pinag-isipan talaga ang mga produkto na magagamit sa paglalakbay.
Dinaanan din namin ang mga baon na pagkain,
tubig para ‘jingle’ time na lang ang pagtigil ng
sasakyan. Mahaba kasi ang biyahe na aabot ng 8 hanggang 10 oras.
Tambak din ang
foods at snacks mula papuntang
Vigan hanggang pag-uwi. Masasabi mo talagang walang magugutom at papayat sa pamilyang ito.
Mainit din ang pagtanggap at pagsalubong ng pamilya nina
Ma’am Rei, Mama Pacita at Ma’am Bambie nang makarating kami sa Pacita Mansion (malapit
sa Calle Crisologo). Parang first class hotel
na Spanish- American inspired home (modern interior). Dream house ito ni Ma’am
Rei para sa mother niya.
May isang travel pouch bag din na may laman ng Belle Dolls Beaute’ Secret Dark Chocolate
Drink, Collagen Juice Drink,Healthy Coffee,Stem Cell Juice Drink.
Relax na relax ang aming bakasyon dahil lahat ng
kailangan ay binigay na ng Beautederm Corporation. Pati ang pampa-refresh
pagkatapos ng journey.
Naghanda rin si
Mama Pacing nang masarap na pagkain ng
Vigan. Unang pinatikim niya sa amin ang
miki at Bolero.
Sa unang araw ay nag-tour kami sa Pacita Mansion. Bilang katoliko type
talaga namin ang chapel ni Mama Pacing.
Nagkaroon naman
ng bonggang dinner sa may swimming pool.
Winner ang niluto niyang gulay, igado at
hipon. May palitson pa.
Bumisita rin at
nakisalo ang alkalde ng Vigan na si Mayor Jose ‘ Bonito’ Singson,Jr.
Namasyal din
kami nu’ng gabing ‘yun sa Calle
Crisologo . Mula Pacita Mansion mga 5
minutes lang na paglalakad nasa tourist spot ka ng Vigan.
Napapatigil lang sa
rampa ‘pag may nagpapa-picture
kina Kakai, Jhai Ho at Ma’am Rhea.
Nag-enjoy rin ang grupo sa pagbili ng ice
cream sa kalye. ‘Yun ang bonding na todo
saya, walang KJ, pantay-pantay at iisa
ang trip.
Pangalawang araw ay may parada dahil sa Ilocos Sur
Festival . Dumaan din ito sa Pacita Mansion
kaya pinalipas muna ang trapiko bago mag-tour.
Nag-lunch ang grupo sa Pinakbet Farm sa Caoayan.Super yummy ang gulay at seaweed .Isa
ito sa restoran na dinadayo talaga.
Dumiretso ang grupo sa Baluarte Zoo na makikita ang alagang leon at tigre ni dating Governor Chavit Singson.
Pumasyal din kami at nasaksihan kung paano ang paghahabi para makagawa ng placemat at table runner. Naakit talaga kaming bumili ng 2 set para may maiuwi at souvenir sa Maynila.Nag-courtesy rin ang grupo sa bahay ni Mayor Bonito na tinawag na Casa Vicente (Hon. Vicente Singson y Encarnacion). Delicious ang bibingka na pa-merienda ng butihing alkalde . Naramdam din namin ang hospitality niya sa mga binigay niyang souvenir gaya ng longganisa key chain , kalendaryo atbp.
Kahit super busog ay may merienda pa ring nakahanda sa Pacita Mansion pag-uwi para matikman ang
the best na empanada sa Ilocos.
Sa dinner/kantahan naman ay nagtungo ang grupo sa Bar Tech sa Calle Crisologo Nakisalo at nakipag-bonding naman si Governor Jeremias ‘Jerry’ Singson, younger brother ni Apo Chavit at Vice Gov. Ryan Singson, anak ni Manong Chavit .
May pa-cake din si Madam Rei sa mga nag-birthday ng January na media friends. Kahit ang kaibigang Vinia Vivar ay nag-enjoy dahil sa Vigan na rin siya nag-celebrate ng kaarawan (February 2).Dumiretso ang grupo sa trade and food fair dahil sa kapistahan. Ang nakakabilib pa umuwi sina Mam Rei at Kakai na
sumakay ng tricycle para ma-experience ulit ito. Kapuri-puri ang pagiging humble
ng founder ng Beautederm sa kabila ng
matagumpay na negosyo, katanyagan at
yaman.
Kahit naka-facemask na si Kakai nakikilala pa rin siya
at marami ang nagpapa-picture sa kanya sa food fair. Pero, maski pagod na siya sa pagrampa ay pinabigyan niya ang mga ito. Nasaksihan
din namin ang mabuting kalooban ng komedyana nang alalayan niya at tulungan ang
isang matandang babae.
Hindi pa natapos ang gabi dahil may barbecue party at inuman pa pag-uwi.
Sa huling araw namin
sa Vigan sobrang generous ni Ma’am Rei dahil pinabaunan pa kami ng maraming langgonisa at bagnet. Si Mama Pacing
naman ay binigyan kami ng masarap na Bolero
ng Mom’s Bakeshop.
Bago umuwi ng
Manila, dumaan din kami sa Bantay Bell Tower
at church visit para magpasalamat
at maging ligtas sa biyahe.
Sumaglit din kami sa pasalubong center dahil gusto rin
naming matikman ng family namin ang royal at special bibingka ng Vigan,
malutong na cornick at cassava cake.
Hindi
malilimutan ang travel na ito para mag-unwind. Napakasayang karanasan. Nakaka-sepanxx
. Nakaka-homesick ang Vigan.
Walang hanggang
pasasalamat kay Ma’am Rei Tan sa pagpapahalaga at pagmamahal sa media. Sobrang
spoiled kami sa trip na ito. Para niya kaming dinala sa paraiso.Tunay siyang
Darling of the Press!
Masarap pasyalan at balikan ang Vigan. Perfect ito sa
mga turista lalo’t Instagramable ang mga
old house, may kalesa ride, yummy ang pagkain,
sariwa ang mga gulay, safe ang lugar, mababait at disiplinado ang mga tao .
Magiging proud ka bilang isang Pilipino ‘pag nagawi ka
sa Vigan.
Tara na!
No comments:
Post a Comment