Napanood namin ang collab nina Coco Martin at Sen. Lito Lapid .
Ang ganda ‘yung dialogue ni Coco na sabi nila wala raw ginawa si Sen. Lito nu’ng umupo sa Senado. Ano ang pinanindigan mo?
Hirit ng netizen pinanindigan niya ang mahihirap para sa RA 9999 ‘Lapid Law.’ Libreng tulong legal ito.
Ang kantyaw kay Lito ay artista lang. Tanong ni Coco, ano ba ang magagawa ng isang action star?
Isa lang naman si Sen. Lapid sa umaksyon sa kapakanan ng mga manggagawa sa ‘Eddie Garcia Law.’
Hirit pa ni Coco,sabi nila na hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral. Paano mo kami matutulungan?
Pero, pinasa ni Lito ang Free College Exams Education Act.
Sey pa ni Coco, “dumanas ka man ng hirap, lahat nang sabi-sabi sa ‘yo inaksyunan mo.”
Hirit naman ni Lito,”Kung ako’y nakaahon, kaya niyo rin, kaya natin lumaban at umunlad.”
Samantala,kamakailan sinuyod ni Ang Supremo ng Senado, Lito Lapid ang ilang bayan sa South Cotabato,
Ipinangako niya sa mga taga South Cotabato na isusulong ang pagpapalago ng turismo kabilang na ang medical at agri-tourism para makalikha ng hanapbuhay sa mga kababayan natin.
Isa sa mga nakikita ni Lapid na maaaring palakasin at palawigin pa ay ang industriya ng Tuna dahil 80 porsyento nito ay nanggagaling sa SOCCKSARGEN at ini-export sa ibang bansa.
Ayon kay Lapid, maaari itong maging tourist attraction na siguradong magbibigay ng mas marami pang trabaho sa mga taga-SOCCKSARGEN.
Gaya na lamang pagpapakilala sa iba’t-ibang putahe ng Tuna na maaring ialok sa mga turistang dayuhan o lokal.
Si Senator Lapid ang may akda ng bill na magdedeklara sa Pampanga bilang Culinary Capital of the Philippines na nakatakdang pirmahan ni President Ferdinand Marcos Jr.
Talbog!
No comments:
Post a Comment