Tuesday, October 17, 2017

MATT AT YAYO, MAY BEAUTEDERM MEET AND GREET NGAYONG 3 PM SA SAN FERNADO,PAMPANGA


Kahit  lumipat  na si Matt Evans ng management, nandoon pa rin ang suporta at pagmamahal sa kanya ni Sylvia Sanchez at ang Beautederm CEO and owner na si Ms. Rhea Tan.
Happy at excited si Sylvia na makasama at magkaroon sila ng reunion ni Matt ngayong Oktubre. Matatandaan na gumanap na Andre  si Matt sa seryeng “The Greatest Love” na kung saan ay isa sa anak ni Sylvia.
Meron silang meet and greet sa  store opening ng Beautederm sa Tuguegarao (October 28, 4PM). Gaganapin ito sa Brickston Mall, Puenge Ruyu, Tuguegarao City at sa  Cebu sa  November 18.
 “After months, I’m so happy to be reunited with my greatest love, Andre. I’m grateful to be with him again and to have the chance to, along with him, endorse a product we both trust, Love and believe in,” caption ni Sylvia sa kanyang social media account na kung saan ay magkasama sila ni Matt.
Samantala, tinupad din ni Ms. Rhea ang billboard ni Matt sa BeauteDerm dahil makikita na sa EDSA,  North Luzon Expressway Apalit-Candaba Viaduct kasama si Sylvia at ilang endorsers pa niya.
Happy rin siya dahil nagkakasundo at swak sina Sylvia at Matt.
 “Nakakatuwa silang tingnan kasi para talaga silang totoong mag-nanay. Iba naman kasi magmahal at mag-alaga talaga si Sylvia e. I’m so proud of my Beautederm babies,” bulalas ni Ms. Rhea.
Nu’ng October 1, pinasaya rin ng  BeauteDerm ang mga taga Vigan, Ilocos Sur sa BeauteCaravan ng ng Beautederm na  kung saan ay kasama nila ang  isa pang Beautederm ambassador na si Shyr Valdez.  Katuwang din sila sa pagbibigay ng  awards para sa Top Resellers ng Beautederm products.  Ginanap ito sa Hotel Salcedo.
Pati ang butihing ina ni Ms. Rhea na si  Pacita Anicoche ay masayang-masaya  at nagbiro pa raw ito na para na rin siyang artista dahil nakasama niya sina Ibyang at Shyr.
Anyway, may store opening din ang   Beautederm sa  Maligaya 168, Dolores City, San Fernando, Pampanga.  sa October 18 , 3 PM na kung saan ay may meet and greet din sina Matt Evans at Yayo Aguila.  


“Actually , international and national distribution na po tayo, pero ang may center talaga is Vigan, Isabela, Tagum, Davao Del Norte, Davao City, San Fernando, Pampanga. Sa Ilocos po, sub-office ko po roon,.” Deklara pa ni Ms. Rhea.

No comments:

Post a Comment