Thursday, October 19, 2017

SOLO PARA ADULTOS, GRAND PREMIERE NGAYONG GABI SA MUSIC MUSEUM!


Successful ang  unang  stage play ng  Red Lantern Production  na  pinamumunuan ni Sir  Yuan Barron Ho para sa  rap-and-roll musical na “Kabesang Tales na pinagbibidahan  ni John Arcilla .Isinulat ito ni  Ricardo “Ricky” Lee at umikot sila sa Pilipinas para itanghal ito.
Tonight,  (October 20)  magkakaroon ng grand premiere ang  prodyus nilang second stage play na “Solo Para Adultos” (For Adults Only)  sa   Music Museum, 8PM. Isa naman itong sex comedy play.
“Matagal –tagal nang walang theme na ganitong stage play,so we decided to push through the project,” pahayag ni Sir Yuan.
Ms daring ba ito sa mga dating sex comedy  play gaya ng  “Penis Talks,” “The Vagina Monologues”?
“Medyo…. mas maraming  ano (masisilip),” tugon ni Direk Bong  Ramos.
“Iba ‘yung atake nu’ng  mga scenes,” pakli naman ni Sir Yuan.
“It’s a film within a play. ‘Yun ang kaibahan niya,” deklara naman ng Production Manager na si Doming Almoite.
Ano ang mga pasabog ngayong gabi sa “Solo Para Adultos”?
“Maraming  flesh.ha!ha!ha! Maraming skin. LGBTQIA ito. Para sa straight,puwede rin,” deklara ni Direk Bong.

“Ay , grabe..maglalawa,” sey  naman ni Doming.
“Matapang ‘yung mga artista,eh,” lahad pa ni Direk Bong.
“Merong patungan sina John (Raspano) at Vivo (Ouano),” ayon naman kay Sir Yuan.
Idinagdag din ni Direk Bong na may massage scene at kissing scene ang dalawa. Abangan din daw kung sino ang malalaglagan ng tuwalya at masisilipan.
Pero sa kabuuan ng istorya ay tumatalakay ito  sa  mga biktima ng kalupitan  ng mundo, pag-ibig, sex, paghihiganti, pangarap at pag-asa.
Ang lahat  ng cast ay dumaan sa audition sa pangunguna ng Mr. Gay World 2017 title holder at  grand winner  ng  ‘ I Am Pogay’ ng ‘It’s Showtime na si John Raspado  (Closet hunk actor)  , Vivo  Ouano ( The Masseur) ,  April ‘Congrats’ Gustilo (The Porn Queen), Andres Vasquez ( The Stripper) at Tori Garcia ( The Scandal Queen).  Kasama rin ang dating  That’s Entertainment member na si Brylle Mondejar bilang gay director,  Mosang bilang  lesbian manager  at si Genesis Gallios.
Para sa iba pang impormasyon sa SPA follow its facebook page - @SoloParaAdultosThePlay, instagram - @soloparaadultos.theplay and twitter - @SPAthePlay. Tickets are available via TicketWorld and call (632) 891-9999.  

No comments:

Post a Comment