Thursday, November 5, 2015

EDGAR ALLAN GUZMAN TO GUEST IN HOME SWEETIE HOME!


Sweet na sweet ang mag-asawang Romeo at Julie. Nabanggit tuloy ni Gigi na gusto niya pag nagka-boyfriend siya, tulad ng kanyang Kuya Romeo.
Samantala, makikita ni Pinong na may kasamang lalaki si Gigi—si Sir Ryan (Edgar Allan Guzman)! Syempre, magsusumbong sya kina Nanay Loi.
Mapapansin ni Gigi nitong mga huling araw na iba na ang ugali ni Sir Ryan kumpara nung unang pagkakakilala niya. Nang nag-movie date sila, sinusubukan siyang halikan ni Ryan pero syempre umiiwas siya.
Si Romeo naman, mahuhuli na nagloloko din pala itong si Ryan. Nakita niya itong may kasamang ibang babae sa jeep. Hindi ugali ni Romeo na magsumbong kaya isinetup niya si Ryan para mahuli ito mismo ni Gigi at matauhan.
Papangaralan ng mag-asawang Romeo at Julie ang kanilang nakababatang kapatid na kailangan ingatan ang sarili at mag-ingat sa mga desisyon pagdating sa love.


Samantala, pasok din ang "Home Sweetie Home" at "Goin' Bulilit" sa listahan ng pinakapinanood na programa nationwide noong Oktubre, ayon sa Kantar Media. Nasa ika-walong pwesto ang "Home Sweetie Home" (26.2%) habang ika-siyam naman ang "Goin' Bulilit" (25.2%).

KIM CHIU, ENCHONG DEE HOSTS SA 7th PMPC STAR AWARDS FOR MUSIC, NOV .10, KIA THEATER



HANDANG-HANDA na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa paghahandog ng natatanging karangalan sa mga alagad ng musika sa 7th PMPC Star Awards For Music, sa ika-10 ng Nobyembre, 2015, ika-8 ng gabi, KIA Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City. 
Magmimistulang concert ang pagtatanghal ngayong taong ito, ang mga hosts ay sina Kim Chui at Enchong Dee, na kapwa may inihanda ring production number. 
Maghahandog ng mala-concert na performance ang mga sumusunod: Erik Santos, Kyla, Christian Bautista, Matteo Guidicelli, Gloc 9 with his band, The Dawn, KZ Tandingan, Morisette Amon, Darren Espanto, Kylie Padilla, Aicelle Santos, Jonalyn Viray, Jason Dy, Sheryl Cruz, Michael Pangilinan, Kean Cipriano and Eunice with his Band, Hannah Nolasco & Mark Mabasa and Friends.
Ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award ay tatanggapin ni Rey Valera; ang Parangal Levi Celerio ay mapapasakamay naman ni Ogie Alcasid, at bilang tribute ay hahandugan sila ng awitin nina Janno Gibbs at Vina Morales.
Si Tom Taus ang magsisilbing DJ Host. 
Ang 7th PMPC Star Awards For Music ay mula sa direction ni Bert de Leon at produced ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino. Ang kabuuan ng awards night ay mapapanood sa ABS-CBN Sunday’s Best sa November 29, 2015.
Narito ang mga nominado:
SONG OF THE YEAR
· Akin Ka Na Lang - Morisette Amon/ Star Music
· Ikaw - Yeng Constantino/Star Music
· Mahal Ko o Mahal Ako - KZ Tandingan /Star Music
· Mananatili - Sheryl Cruz/ Universal Records
· Mr. Right - Kim Chiu/ Star Music 
· Pare Mahal Mo Raw Ako - Michael Pangilinan/ Star Music 
· Simpleng Tulad Mo - Daniel Padilla/Star Music
ALBUM OF THE YEAR
· All About Love - Yeng Constantino/Star Music 
· Celestine - Toni Gonzaga/Star Music 
· Darren - Darren Espanto/MCA Music
· Deeper - Julie Anne San Jose/GMA Records
· Haymabu - Siakol/Synergy Music Corp
· Never Alone - Jennylyn Mercado/GMA Records
· Perfectly Imperfect - Sarah Geronimo/Viva Records
MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR
· Christian Bautista - Soundtrack /Universal Records
· Gloc 9 - Biyaheng Pangarap/ Universal Records
· Janno Gibbs - Novela/GMA Records
· Martin Nievera - Big Mouth Big Band/ Polyeast Records
· Noel Cabangon - Throwback/ Universal Records
· Richard Poon - The Crooner Sings Baccarats/ Universal Records
· Vice Ganda - ‪#‎Trending /Star Music

FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR
· Jamie Rivera - We Are All God's Children /Star Music 
· KuhLedesma - Memories /Universal Records
· Pilita Corrales - Duets /Viva Records 
· Sarah Geronimo - Perfectly Imperfect/ Viva Records 
· Sheryl Cruz - Sa Puso Ko’y Ikaw Pa Rin/ Universal Records
· Toni Gonzaga - Celestine /Star Music 
· Yeng Constantino - All About Love/Star Music

Tuesday, November 3, 2015

ALBERT MARTINEZ, HANGGANG ENDING NA NG 'ALL OF ME'!!!

Hanggang ending na pala ng “All of Me” ay mapapanood si Albert Martinez. Tinatanong tuloy kung mawawala ba  siya sa “Ang Probinsyano” kaya biglang lumutang si Richard Yap bilang lider ng sindikato?
Hindi malinaw sa amin kung isinakripisyo ba ni Albert ang isang primetime serye para sa “All Of Me”?
Kung sabagay, bida siya sa Kapamilya Gold serye na ito at kahit noong nagsisimula pa lang ang “All of Me” ay very vocal siya sa pagsasabing gustong-gusto niya ang kuwento nito.
Marami rin ang naghahanap kay JM De Guzman at nagtatanong kung babalik pa siya.

Tiningnan na lang namin ang Instagram Account niya at puro malalalim na hugot ang pino-post niya.

AHAS SA STARSTRUCK


Panibagong kilabot ang hatid ngayong Miyerkules ng Starstruck sa pagpapatuloy ng Extreme Artista Test sa ilalim ng direksiyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Paano kayang lalabanan ng ating Survivors ang takot kung ang ka-eksena nila ay hindi tao kundi hayop? May artista test na, may ahas pa.

Accredited at trained man ang mga ahas na nakasalamuha ng ating Survivors, hindi pa rin sila ligtas sa kilabot na dala nito, alamin kung ano ang kanilang mga pinagdaanan kasama ang kanilang kakaibang kaeksena at panoorin ang kabuuan ng kuwentong "Ahas" na pagbibidahan nina Analyn Barro ng Bacolod, Liezel Lopez ng Olongapo, at Kevin Sagra ng South Cotabato.

Ngayon Miyerkules  sa STARSTRUCK, 5:50pm sa GMA7.

Monday, November 2, 2015

ALBUM NI ALDEN RICHARDS , CERTIFIED PLATINUM NA!



Certified Platinum na ang ‘Wish I May’ album ng Pambasang Bae na si Alden Richards under GMA Records dahil ito ay nakabenta ng higit sa 15,000 units worldwide.

Kanina sa programang Eat Bulaga ay magkasamang iginawad ng PARI (Philippine Association of the Record Industry) at GMA Records ang Platinum Award kay Alden.


Ayon sa Kapuso actor, masaya siya sa panibagong blessing na natanggap niya. “Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik sa aking first album under GMA Records most especially to Aldub Nation and Aldenatics. To God be the glory!” 

PIOLO PASCUAL, SUSUPORTA KAY YUL SERVO!



Financially ay tutulong at susuporta si Piolo Pascual sa kandidatura ni Yul  Servo bilang Congressman ng  3rd district ng Maynila. Isa lang daw ang bilin ni Piolo sa kanya simula nu’ng pasukin nito ang politics, ‘wag mangungurakot’.
Isa pa sa nangakong susuportahan si Yul  sa kampanya ay ang superstar na si Nora Aunor na naka-partner niya sa “Naglalayag”.   Pati na rin ang mga friends niyang sina Ana Capri, Jaycee Parker at ang mga nakasama niya sa “Baker King” ng TV5 na  sina Jackielou Blanco, Raymond Bagatsing atbp. Tutulong din ang mga kapatid niya sa kuwadra ni Direk Maryo J. Delos Reyes.
Bagamat huling lumabas si Yul sa pelikulang “Felix Manalo,” hindi pa niya alam kung sa kanya ibibigay ng INC ang buong  suporta dahil ‘yung isang makakalaban niya ay dati ring sinusuportahan  rin ng Iglesia.
Hon. John Marvin “Yul Servo” C. Nieto
Councilor, 3rd District of Manila
PROFILE
Si John Marvin ay ipinanganak noong ika-22 ng Pebrero, 1977 sa Calumpit, Bulacan. Pangalawa sa walong anak ng mga magulang na sina Martin at Zenaida Nieto. Si Jon-Jon (tawag ng mga taong malapit sa kanya) ay isang ordinaryong bata na lumaki sa Binondo, na minsang nangarap maging Kabataang Barangay member sa kanilang lugar. Pero dahil sa pagiging mahiyain ay hindi niya naituloy ang pangarap na ito. Nakapagtapos ng elementarya sa Pedro Guevarra Elementary School at nakapagtapos ng sekondarya sa Arellano University.
Bata pa lang si John Marvin ay pangarap na niyang maging Pulis dahil sa tingin niya’y “Superhero” ang mga ito. Nagagawa nilang hulihin ang mga masasama at tulungan ang mga nangangailangan. Dahil sa pangarap na ito kaya siya nag-aral sa Philippine College of Criminology.
Noong maka-graduate sa kolehiyo, handa na sana niyang pasukin ang pagpupulis nang biglang nagbago ang kanyang tadhana dahil sa pagkakadiskubre sa kanya ni Direk Maryo J. Delos Reyes. Nakita ni Direk Maryo ang malaking potensiyal ni John Marvin sa mundo ng showbiz kaya naisipan niyang ipasok ito sa mga workshop at teatro hanggang sa pasukin na rin nito ang mundo ng Indie Films. Dito na siya nakilala sa screen name na Yul Servo.
Ilang taon pa lang mula nang nag-umpisa si Yul sa paggawa ng Indie Films ay napansin na agad ng mga award-giving bodies ang kanyang talento sa pag-arte, na naging dahilan upang makahakot siya ng maraming award tulad ng Best Actor sa 2001 Cinemalaya Film Festival at 2002 Brussels Film Festival para sa kanyang pagganap saBatang West Side. Nasundan ito ng isa pang Best Actor Award galing sa 19th Star Awards for Movies para sa kanyang pagganap sa pelikulang Laman at Best Actor noong 2004 Manila Film Festival, Brussels International Film Festival at Gawad Tanglaw para sa pelikulang Naglalayag (na unang pelikulang nakatambal niya ang Superstar na si Nora Aunor).
Nanalo rin siyang Best Supporting Actor at marami pang ibang parangal mula sa iba’t-ibang patimpalak.
Noong 2008, muling nasungkit ni Yul ang kanyang ikatlong Best Actor Award sa Brussels International Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang TorototNito lang 2014 ay nabigyan siya ng parangal bilangBroadwayworld.com Philippines awards bilang Best Crossover Artist.
Taong 2006 nang kumbinsihin si Yul ng kanyang mga kadistrito na tumakbo sa pagkakonsehal sa ikatlong distrito ng Maynila. Tinanggap naman niya ito at pinalad makuha ang ika-limang puwesto sa konseho noong 2007 election. Ginampanan niya ang tungkulin bilang Konsehal at nag-akda ng mga ordinansa at resolusyon para sa kapakanan ng kapwa nya Manileño. Naglunsad din si Yul ng iba’t-ibang proyekto tulad ng Medical Mission para sa mga taga distritong nangangailangan ng konsultasyon at gamot na libre, Dental Mission, Calamity Assistance, Educational Program, Oplan Iwas Dengue, Feeding Program, Fiesta Caravan, Binyagang Bayan, Libreng Tuli, Oplan Sagip Mata na naglalayong makapagbigay ng libreng salamin at surgery para sa mga kadistritong may cataract. May mga Livelihood Project din na inilunsad si Konsehal Yul tulad ng “Angat Pangkabuhayan” sa pakikipagtulungan ng DOLE at mga art exhibit na naglalayong ipakita sa publiko ang dating ganda ng Maynila.
Nagsasagawa rin si Yul ng iba’t-ibang charity works tulad ng assistance sa mga kababayang nangangailangan, assistance para sa mga pangangailangan ng mga barangay sa ikatlong distrito, pagpapahiram ng tents, silya, sasakyan, at marami pa.
Nakuha ni Yul ang ikalawang puwesto sa pagkakonsehal sa ikalawang pagtakbo niya sa konseho. Patunay na higit sa pag-aartista, kaya niya ring magserbisyo sa mga kadistrito. Ipinagpatuloy niya ang mga nasimulang proyekto at nagpasa pa ng ilang mga ordinansa at resolusyon para sa ikabubuti ng mga Manileño.
Sa konseho, nagsilbi siya bilang Second Assistant Majority Floor Leader, Chairman of the Arts and Culture Committee, Vice Chairman ng Science and Technology Committee, Vice Chairman of  Engineering and Public Works Committee, at miyembro ng Commitee on Appropriations, Arts and Culture, Economic Development, Education, Tourism, Information and Communication Technology, at Health.
Muli siyang pinagkatiwalaan ng mga kadistrito niya sa pangatlong pagkakataon at  naging number one o topnotcher ni Yul sa pagkakonsehal sa kanyang distrito noong 2013 elections.
Bilang konsehal, personal siyang bumibisita sa mga barangay na nasasakupan para malaman kung ano ang mga problemang hinaharap ng mga barangay na ito at kung paano siya makakatulong.
Nakatanggap si Konsehal Yul ng maraming parangal para sa kanyang pagseserbisyo tulad ng Dr. Jose Rizal Gintong Kabataan Award, Gintong Kabataan Award for Education, Kapit Bisig ng Kabataan Celebrity Service and Excellene Award for Education, Most Outstanding Alumnus of the Philippine College of Criminology, at Gawad Sulo ng Bayan 2015 bilang Pinakamahusay na Konsehal.
Ang mga hilig niya ay Arnis, Skateboarding, Theater Cinema Appreciation, Woodworking, at Film making. Si Yul ay kasalukuyang miyembro ng Rotary Club of Tondo.
           

NAME: John Marvin “Yul Servo” C. Nieto
Konsehal- 3rd District of Manila ( BinondoQuiapoSan NicolasSanta Cruz, Blumentritt )
1st term:  2007-2010
2nd term: 2010-2013
3rd term: 2013-2016
BS Criminology graduate (1998)- Philippine College of Criminology
Q & A
1--Masasabi mo bang nakalalamang ang mga kandidatong artista na tulad mo?
“Nakalalamang po kung popularidad ang pag-uusapan. Pero sa bandang huli, yung performance po talaga ang mahalaga para iboto at mahalin ka ng mga tao. Komporme na lang sa iyo kung paano mo ito iko-convert sa boto. Pero hindi naman porke artista ka ay mananalo ka na. Noong first time na kumandidato ako bilang Konsehal, 47 kami na naglaban bilang konsehal. May incumbent na councilor, mga sikat, antigo…
“Pagdating sa kampanya, ako ang pinagkakaguluhan dahil artista nga ako. Pero hindi pala roon nasusukat iyon. Kasi, ‘tapos ng botohan, pang-lima lang ako e. Kaya nasabi ko na hindi porke artista ay iboboto ka nila. Kaya pinatunayan ko naman sa kanila, naglingkod ako ng tapat at buong puso. Kumbaga, iyong performance ang ipinakita ko. Kasi nalaman ko na performance rin talaga ang pinagbabasehan ng mga botante.
“So, talagang pinatunayan ko na hindi lang ako artista, kundi talagang sinipagan ko. May mga proyekto sa grassroots, sa barangay… Pati sa legislative, talagang nagtrabaho ako.
“Si vice mayor Isko Moreno, talagang mentor ko siya. Siya yung lagi kong kinokonsulta kapag may mahahalagang desisyon na kailangang gawin.”
2--Bakit mo gustong maging pulis sa murang edad? Nasa isip mo na ba that time ang makapaglingkod sa bayan?
“Seventeen ako nang nag-aral ng Criminology, pangarap ko po kasing maging pulis mula noong bata pa ako. Gusto ko po kasi ng isang disenteng trabahaho at bonus na yung makapaglingkod sa bayan.”
3--Ano ang pakiramdam kapag nakakatulong ka sa constituents mo?
“Siyempre napakasarap po sa pakiramdam. Lalo na kapag nakikita ko ang mga constituents ko na nagiging masaya dahil sa mga naitutulong ko sa kanila kahit gaano pa ito kaliit.”
4--Hindi ka masyadong tumatanggap ng projects ngayon sa showbiz dahil sa pagiging public servant mo, anong klaseng sakripisyo ito sa part mo?
“Hindi ko naman ito tinitignan bilang sakripisyo. Siyempre hinalal ako ng mga tao para maglingkod sa distrito ko kaya may responsibilidad ako na gawin ang lahat ng makakayanan ko para matulungan sila. Kahit na kapalit nito ay pagtanggi sa ilang proyekto na iniaalok sa akin sa showbiz.”
5--Ano ang maipagmamalaking nagawa mo para sa mga kadistrito mo?
“Marami po akong maipagmamalaki na nagawa ko eh. Pero sa tingin ko, ang pinakamaipagmamalaki ko sa lahat ay ang wala akong ninakaw kahit isang sentimo sa kaban ng bayan sa halos siyam na taon kong panunungkulan bilang konsehal. Abonado pa nga po dahil sa dami ng mga nagagawa kong proyekto. Pero hindi po ako nagrereklamo, dahil gaya ng sabi ko po, napakasarap ng pakiramdam na nagagawa ko ang aking trabaho at nakakatulong ako sa mga kababayan ko.
“Ang gusto ko lang naman, umangat ang pamumuhay ng mga taga-distrito ko. Gusto kong magbigay nang todong-public service para sa ikauunlad ng Third District ng Maynila. Iyon ang priority ko talaga, e. So, sa tulong ng Panginoong Diyos, naniniwala ako na tutulungan Niya ako. Kasi alam naman Niya na ang aking pagseserbisyo ay buong puso at tapat.
“Naniniwala rin ako na kahit ayaw mo, minsan ay ilalagay ka talaga ng Panginoon doon e. Kaya naniniwala ako sa destiny ko. Kasi kapag sakaling hindi ako inilagay doon ng Panginoon, naniniwala ako na mayroon Siyang ibang plano para sa akin. Isa pa, gusto ko na kapag natapos na ako sa politika, kaya kong maglakad na nakataas ang noo ko.”
6--Ano ang masasabi mo na nangunguna ka sa mga survey bilang congressman sa 3rd District ng Manila?
“Sa survey naman, ayaw kong maging kampante. Gagawin ko lang po kung ano ang nakagawian ko noon pa man, mag-iikot ako sa constituents ko. At kung ano man ang mangyari sa hinaharap ay tatanggapin ko ng buong puso. Ang mahalaga po sa akin ay lumaban ako ng parehas, may respeto, at malinis kahit na ano pong maging resulta ng election.”
7—Ano ang pakiramdam mo nang ikaw ang inendorso nina Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno sa pagka-kongresista ng inyong distrito?
“Mataas ang tingin at respeto ko sa kanilang dalawa kaya sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon sa kanilang endorsement. Hindi ko alam na ganoon pala kalaki ang tiwala ni Mayor Erap at Vice Isko sa akin, kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanila.”

TITO BOBOY SYJUCO, BET SI SARAH GERONIMO



Walang overpricing na nangyari sa pagkuha noon ng Presidentiable at former TESDA Chief na si Boboy Syjuco kay Sarah Geronimo bilang ambassadress ng TESDA.
“She was given what she deserves,” ang deklara ni Tito Boboy.
Sey pa nya, hindi siya nagkamali sa pagkuha noon kay Sarah  dahil good endorser ito na kung saan ay tumaas ang kanilang enrollees nu’ng mapanood si Sarah sa kanilang TV ads.
Kaya naman kahit intrigahin siya at isyuhan sa pagtakbo niya bilang Pangulo ng Pinas na may kinalaman sa overpriced TF ni Sarah ay mapapanindigan daw niya ito na hindi totoo. Handa niyang harapin dahil malinis ang kanyang kunsensya.
Anyway, aminado si Tito Boboy na maliit lang ang budget niya sa pangangampanya at hindi niya kayang kunin si Sarah o alukin para i-endorse siya. Hindi raw katulad noon na galing sa pondo ng TESDA ang ibinayad kay Sarah.
Kahit bet niya si Sarah, wala raw siyang kukuning celebrity endorser dahil sa kakulangan ng kanyang pondo.

Naniniwala rin ang dating Congressman ng Iloilo na hindi siya isang nuisance candidate. Siya ang pinaka-qualified presidential candidate dahil sa kanyang edukasyon, kredibilidad, talino at pagmamahal sa ating mga kababayan.
Anyway, very vocal si Tito Boboy  na bilib siya sa mga artistang pumapasok sa politics gaya ni Manny Pacquiao na tatakbo sa Senado sa 2016 election.
Kung halimbawang matalo  raw niya si Senator Grace Poe bilang Pangulo, bibigyan  pa rin niya ito ng posisyon sa kanyang administrasyon.
Ibabalik daw niyang Chairman ng MTRCB si Senator Grace dahil nakita niya na maayos ang panunungkulan nito nu’ng  nasa MTRCB pa ito.

CHIZ, SINORPRESA SI HEART SA TAPING NG ‘BEAUTIFUL STRANGERS’



Kahit busy sa pulitika, hindi pa rin kinakalimutang sorpresahim ni Sen. Chiz Escudero ang kaniyang misis na si Heart Evangelista.

Tuwang-tuwa si Heart nang bisitahin siya ng mister sa set ng “Beautiful Strangers” sa Quezon City noong Miyerkules (Oct. 21).

Ipinost pa ni Heart sa Instagram ang litrato nila ni Chiz habang bumibisita ang senador.

“Haha! huli cam! Thanks Direk LA for this candid shot! my hubby visiting the set:) he surprised me,”sabi ni Heart sa caption ng nasabing larawan.

Kandidato bilang bise presidente si Chiz. Ang tandem nila ni Sen. Grace Poe ang siyang nangunguna sa mga surveys.

Di pa nga nag-uumpisa ang kampanya ay tinatawag ng “busy bee” ni Heart ang mister dahil sa sobrang hectic ng schedule nito.

Ganu’n pa man, sinisiguro pa rin ni Chiz na may time silang mag-date ng asawa.

Nanood pa nga sila ni Heart ng obra maestra ni Jerrold Tarog na “Heneral Luna” kamakailan, ayon kay Chiz.

GRACE, NAIINTINDIHAN ANG MOMMY NI HEART

Naiintindihan ni Sen. Grace Poe ang pagsuporta ng mommy ni Heart Evangelista sa makakalaban niya sa pagkapangulo na si Sen. Miriam Defensor Santiago. Kahit pa running mate niya ang mister ni Heart na si Sen. Chiz Escudero, aminado si Grace na mas malapit si Ms. Cecile Ongpauco sa katunggaling si Madam Miriam. “I understand her sentiments. I only met her maybe a month ago, samantalang matagal na niyang kilala at mentor niya si Senator Miriam,” sabi ni Grace patungkol sa nanay ni Heart. Ginawa ni Grace ang paglilinaw pagkatapos dumalo ang mommy ni Heart sa “meet and greet” event ni Miriam sa UP noong Oct. 26.
Ganun pa man, hindi naman nababahala si Chiz kahit na nagpahayag ng suporta ang kaniyang biyenan sa katunggali ng kaniyang ka-tandem na si Grace. Sabi ni Chiz, susuyuin na lamang nila ni Heart si mommy Cecile upang suportahan si Grace para sa 2016 election. “Friendships and relationships go beyond politics. While I respect the position of Heart’s mother, who is admittedly very close to Senator Miriam, it will not deter me and Heart from trying to convince her to support Senator Grace,” sabi ni Chiz sa Facebook na may kasama pang hashtag na #KeriYan. #

Friday, October 23, 2015

"NINGNING" SHOWS HOW DILIGENCE CAN BECOME KEY TO SUCCESS



Diligence and determination are the highlighted values this week in the top-rating Kapamilya tanghali serye “Ningning” as Ningning’s (Jana Agoncillo) father, tatay Dondon (Ketchup Eusebio) shows to viewers how hard work can lead to great success in life.

After Lolo Kiko (Freddie Webb) encourages Dondon to take risks especially in business, Dondon tries his luck to experiment with cooking daing in barbecue sauce. As his newly created recipe becomes an instant favorite in their family, a determined Dondon begins to sell his creation, which he calls Daing Q with the help of Lolo Kiko.

At first, Dondon encounters a series of challenges while selling his new product, but his diligence and determination to succeed pay off in the end.


“Ningning” will also shed light on the romance of Otep and Eva and how Ningning and Macmac will have a role in a surprise wedding proposal.
In the ongoing romance between Otep and Eva, Otep (Vandolph Quizon) realizes that he is really emotionally and financially prepared to get married after his serious pep talk with Lolo Kiko. Otep then decides to pop the question to his girlfriend, Eva (Mercedes Cabral) with the help of Ningning and Macmac (John Steven de Guzman) to add more fun and love in his surprise wedding proposal plan.

How will Dondon surpass the challenges in his journey to become an entrepreneur? What ideas will Ningning and Macmac suggest to their kuya Otep in their surprise wedding proposal plan to Eva? Find out this week in "Ningning," Mondays to Fridays before "It's Showtime" in ABS-CBN.

"Ningning" aims to promote the goodness and good values in everyday life among its viewers. For more information, visit the official Facebook account of Ningning (Facebook.com/Ningning)


Bea Binene turns 18



GMA Artist Center star Bea Binene feels thrilled to open a new chapter in her life. Among the teen idols of this generation, Bea has been one of the most promising stars who exhibited passion in the performing arts.

For years she has been developing her talents and she maintains being on top of her game by joining workshops, trying challenging roles, and honing her hosting skills. 

As she turns 18 this November, the actress is already planning ahead and starting to prepare for her future. “Marami pa akong gustong patunayan sasarili ko. I also want to know more about myself, and discover new avenues for my craft. Marami pa rin po akong gustong matutunan, so I’m preparing myself for whatever life has to offer,” admits the Kapuso star.
  
Just recently, Bea’s fans had an unlimited access to her life via her self-produced reality-lifestyle TV show entitled Legally B which airs on GMA News TV every Saturday at 11:30 in the morning. It features all her plans for the birthday party including outtakes and behind-the-scene footage of her photo-shoot. According to her, this is just the beginning of her investments and she plans to put up her own business soon

ABS-CBN SHOWS IMPORTANCE OF FAMILY IN NEWEST POWERHOUSE PRIMETIME DRAMA “YOU’RE MY HOME”



When all the love and trust are gone, can a family still pick up the pieces and rebuild a shattered home?   
From the makers of top-caliber family dramas, ABS-CBN tells the heartfelt story of a daughter who would do whatever it takes to fix her family in the newest powerhouse primetime drama “You’re Me Home” premiering this November 9.
Get to know the Fontanilla family in the eyes of eldest daughter Grace Fontanilla (Jessy Mendiola). After many years of living in simplicity, the lives of the Fontanillas suddenly changed when Gabriel (Richard Gomez) handled the frustrated homicide case against Christian Vergara (JC De Vera), son of a powerful senator (Tonton Gutierrez). With their new and luxurious lifestyle, then 12-year old Grace realized that her dad and mom Marian (Dawn Zulueta) had no time for them anymore, thus turned rebellious.
One night, she left the house to be with her friends, and her brother Rahm together with the house help ran after her, leaving Vince alone inside the house. Shortly after, the Fontanillas learned about the shocking news that will change their lives and test their family--- Vince is missing.
Twelve years later, the Fontanillas face the consequences of Vince’s disappearance. Marian and Gabriel are no longer together. Marian focused her time and strength on putting up her own clothing line while Gabriel found comfort in the arms of Roni (Lara Quigaman), the police officer who handled the kidnapping case. Rahm (Sam Concepcion), at an early age, already has a son and a wife while Grace continues to move on with life, still blaming herself for what happened.
Fate then comes into play as Grace crosses paths with Vince (Paul Salas). As Vince returns to their lives, will the Fontanillas become one whole family again? Can Marian and Gabriel give love another chance? Can Rahm accept his brother despite the jealousy he is feeling? What if Grace falls in love Christian, the very man who got convicted for the kidnapping of her brother? Is her love for her family stronger than her love for Christian? What is the truth behind Vince’s disappearance?

Also included in the cast are Assunta De Rossi, Jobelle Salvador, Mika Dela Cruz, Minnie Aguilar, Peewee O’Hara, Belle Mariano, Bugoy Carino, and Raikko Mateo. “You’re My Home” is directed by Jerry Lopez Sineneng and is produced by Star Creatives led by business unit head Malou Santos. Its creative team is led by creative manager and “MMK” headwriter Arah Jell Badayos.
Don’t miss the premiere of “You’re My Home” this November 9 on ABS-CBN’s Primetime Bida