Walang
overpricing na nangyari sa pagkuha noon ng Presidentiable at former TESDA Chief
na si Boboy Syjuco kay Sarah Geronimo bilang ambassadress ng TESDA.
“She
was given what she deserves,” ang deklara ni Tito Boboy.
Sey
pa nya, hindi siya nagkamali sa pagkuha noon kay Sarah dahil good endorser ito na kung saan ay
tumaas ang kanilang enrollees nu’ng mapanood si Sarah sa kanilang TV ads.
Kaya
naman kahit intrigahin siya at isyuhan sa pagtakbo niya bilang Pangulo ng Pinas
na may kinalaman sa overpriced TF ni Sarah ay mapapanindigan daw niya ito na
hindi totoo. Handa niyang harapin dahil malinis ang kanyang kunsensya.
Anyway,
aminado si Tito Boboy na maliit lang ang budget niya sa pangangampanya at hindi
niya kayang kunin si Sarah o alukin para i-endorse siya. Hindi raw katulad noon
na galing sa pondo ng TESDA ang ibinayad kay Sarah.
Kahit bet niya si Sarah, wala raw siyang kukuning celebrity endorser dahil sa kakulangan ng kanyang pondo.
Naniniwala
rin ang dating Congressman ng Iloilo na hindi siya isang nuisance candidate.
Siya ang pinaka-qualified presidential candidate dahil sa kanyang edukasyon,
kredibilidad, talino at pagmamahal sa ating mga kababayan.
Anyway,
very vocal si Tito Boboy na bilib siya
sa mga artistang pumapasok sa politics gaya ni Manny Pacquiao na tatakbo sa
Senado sa 2016 election.
Kung
halimbawang matalo raw niya si Senator
Grace Poe bilang Pangulo, bibigyan pa
rin niya ito ng posisyon sa kanyang administrasyon.
Ibabalik
daw niyang Chairman ng MTRCB si Senator Grace dahil nakita niya na maayos ang
panunungkulan nito nu’ng nasa MTRCB pa
ito.
No comments:
Post a Comment