Hanggang ending na pala ng “All of Me” ay mapapanood si Albert
Martinez. Tinatanong tuloy kung mawawala ba siya sa “Ang Probinsyano” kaya biglang
lumutang si Richard Yap bilang lider ng sindikato?
Hindi malinaw sa amin kung isinakripisyo ba ni Albert ang isang
primetime serye para sa “All Of Me”?
Kung sabagay, bida siya sa Kapamilya Gold serye na ito at kahit
noong nagsisimula pa lang ang “All of Me” ay very vocal siya sa pagsasabing
gustong-gusto niya ang kuwento nito.
Marami rin ang naghahanap kay JM De Guzman at nagtatanong kung
babalik pa siya.
Tiningnan na lang namin ang Instagram Account niya at puro
malalalim na hugot ang pino-post niya.
No comments:
Post a Comment