Friday, January 20, 2017

BAKIT MINAHAL NI DINGDONG SI ANDREA?




If there’s an award given sa mga artistang grabe ang alagang binibigay sa kanilang kalusugan, we bet it’s going to be awarded to Andrea Torres. Amazed kasi kami sa disiplina na binibigay ng mahusay na aktres sa sarili. Ibinahagi kasi ni Andrea na sinisimulan niya ang araw sa pag-e-exercise, tulad na lamang ng isang photo na nasa Instagram page niya. Nakakatuwa kasi hindi mo makikitang pabaya sa kanyang katawan ang dalaga.
Ito kaya ang reason bakit minahal ni Pepe (Dingdong Dantes) ang karakter niya sa Alyas Robin Hood na si Venus dahil pinapakita nito na independent siya? Pero magawa pa kaya niyang malaman ito kung binabalot na siya ng galit dahil inakala niyang inagaw na ni Sarri (Megan Young) si Pepe kanya? Yan ang dapat nating alamin sa maiinit na eksena sa Alyas Robin Hood gabi-gabi sa GMA Telebabad.

                                                                   -0o0-
 Naintriga kami sa nakita naming caption ng mahusay na aktres na si Ms. Cherie Gil sa isa sa kanyang Instagram photos. Sabi kasi nito: “And His feet touches the ground while he holds me safe and loved.” Pero nang makita namin kung sino ang ‘he’ na tinutukoy ng Alyas Robin Hood star, ito pala ay ang kanyang gwapong anak na si Raphael na umuwi kamakailan from New York.

And speaking of ARH, intriguing din ang mga susunod na eksena dahil si Maggie (Cherie Gil), kabadong kabado na sa kanyang tuluyang pagbagsak. Magawan pa kaya niya at ng kanyang anak na si Dean (Sid Lucero) na makabawi muli? At, walang patid ang hatid na kilig ng mga susunod na episodes dahil finally, umamin na si Pepe (Dingdong Dantes) sa kanyang tunay na nararamdaman kay Venus (Andera Torres). However, naamin niya ito nang tulog ang dalaga. Masabi pa kaya niya it okay Venus ngayong gusto na siyang patayin nito dahil sa nangyari sa kanya sa Sinukuan? Yan ang dapat nating abangan,

No comments:

Post a Comment