Friday, January 20, 2017

JAKE AT ANGELINE, TODO-BIGAY SA HALIKAN AT LAMPUNGAN SA “FOOLISH LOVE”!



            Ipinagpatuloy nina Jake Cuenca at Angeline Quinto ang naudlot nilang romansa noon sa unang pasabog ng Regal Entertainment ngayong 2017, ang nakaaaliw at nakababaliw na kuwento ng pag-ibig sa “Foolish Love.”
            No wonder, hayun at todo-bigay ang dalawa sa kanilang laplapan at lampungan na para bang walang taon sa paligid nila nu’ng shooting ng Joel Lamangan film. May kabog man sa dibdib ni Angeline bago kunan ang maiinit na eksena, go na lang nang go si gurl, huh!
            Sa “Foolish Love,” todo ang paghahanap ni Angeline sa lalaking magiging katuwang niya sa buhay na ang nakita niya sa kanyang panaginip at tinandaan ang pangalan niya.  Hanggang sa biglang dumating sa buhay niya si Jake na katulad ng pangalang hinahanap niya.

            Sa pag-aakalang si Jake na ang man in her dreams dahil taglay niya ang pangalan ng lalaki, nakipag-ibigan siya at umasam ng walang katapusang pagmamahalan.  Nakatikim siya ng walang humpay na kaligayahan pero sa bandang huli, ibang lalaki pala ang may taglay ng pangalang hanap-hanap niya na ikinawindang niya!
            Kakaibang Angeline Quinto ang mapapanood ang publiko. Nag-evolve na ang singer-acterss at naging mapangahas na siya sa kanyang character. Iwinaksi niya ang kanyang limitasyon at bumigay siya kay Jake.

            Sa panig naman ni Jake, lutang na lutang ang passion niya sa pag-arte. Sa isang eksena, habang naghihintay kay Angeline, hindi niya alintana ang malakas na buhos ng ulan. Hindi siya naglagay ng proteksyon sa katawan upang mapangalagaan ang kalusugan.
            Pinuri naman siya ni direk Lamang sa maigting niyang eksenang ‘yon. Kahit nagkasakit si Jake matapos magpakabasa sa ulan, naitawid naman niya ang highlight na ‘yon ng “FL.”
            Si Angeline naman, matapos maidirek sa “That Thing Called Tanga Na,” lalo humanga ang director sa singer-actress hindi lang sa comedy kungdi maging sa drama rin.
            Bukod kina Jake at Angeline, magpapakilig din ang mainit na loveteam nina Miho Nishida at Tommy Esguerra. Dahil lovers sa totoong buhay, todo ang kaswitan ng dalawa sa set at walang kiyeme pagdating sa halikan!
            Bagong konsepto, magagaling na artista at mga fresh faces, ‘yan ang handog ng “Foolish Love” na tiyak magugustuhan nga millenials at non-millenials.
            Sasabog na ang kilig at pag-ibig sa Enero 25!



No comments:

Post a Comment