Friday, January 20, 2017

PERFETTO SALON AND SPA GRAND OPENING



Pinabulaanan ng owner ng Perfetto Salon  and Spa na si Aikynar  Jairi may artista siyang isinusumpa at ayaw nang ayusan dahil maldita. Wala naman daw dahil mababait ‘yung mga na-encounter niya.  Naiintindihan naman daw niya kung pagod ang artista at nawawala sa mood. Pero, maganda raw ang experience niya sa mga celebrities.
Pinakagusto niyang ayusan ay si Nadine Lustre dahil hindi raw maarte.
Professional make-up artist  si Aikynar kaya  tinayo niya ang Perfetto Salon and Spa na matatagpuan sa building ng Club Mwah, The Venue Tower, Boni Avenue,Mandaluyong City . Aktibo rin siya sa Hair Asia Competition at nananalo naman siya. Nagi-enjoy sa ganitong field. Actually, dati rin siya nagme-make up sa mga tapings sa ABS-CBN 2 kaya maraming artista na siyang naserbisyuhan gaya nina JM De Guzman, Beauty Gonzales. Pati na rin daw sa GMA 7  na kung saan ay  nag-make up siya kay Mel Tiangco.

Ang Kapuso  star at produkto ng Starstruck  na si Camille Torres ang celebrity endorser  ng Perfetto. Huling napanood si Camille sa seryeng “Someone To Watch Over Me”.
Pang-beauty queen at modelo ang aura ni Camille kaya  tama ang choice ni Aiky at ng kanyang partner na si  Jenalyn Sangcom na expert sa pag-aayos , paglilinis at pagpapaganda ng mga nails.

Ang Perfetto ay  Italian  word for perfect. Gusto ni Aikynar, bawat papasok sa salon at spa niya ay  sasabihing ‘perfect’ paglabas. Expert sila sa pagbibigay ng serbisyo sa mga   brides and grooms,  debut , weddings at iba pang okasyon. . Ang konsepto ng Perfetto ay mini-bar, nails spa, make-up, pag-aayos ng hair at massage spa.
 Para sa ibang detalye, tumawag sa 09055411055. Naghahanap sila ngayon ng dalawang nail technicians with experience, female, 18 and above with pleasing personality.


1 comment: