Answered prayer na nga talaga dahil kumpirmado na ang
extension ng Encantadia sa telebisyon. Ibig sabihin mas marami pang aabangan sa
iconic at top-rating na GMA telefantasya. At isa na nga rito ay ang pagbabalik
ng mahusay na aktor na si Alfred Vargas sa telebisyon. Gagampanan niya ang
papel ni Amarro, ang ama ni Aquil (Rocco Nacino). Kaya naman si Rocco, sinabi
na sa lahat na “Lagot kayo sa daddy ko!” dahil dumating na ang kanyang ama.
Pero siya kaya ay kalaban o kakampi?
Samantala, mukhang hindi pa nga talaga matatapos ang
Encantadia dahil sa marami pa nitong sorpresa. Isa sa mga pasabog nito this
year ay may bago raw itong set, mas pinagandang effects at iba pang
kaabang-abang na revelations! Nakaka-excite tuloy lalong umuwi ng bahay gabi-gabi para abangan ang Encantadia.
-0o0-
While browsing my Instagram feed, I happen to pass by a photo
of Encantadia 2016’s Aquil and Sang’gre Danaya na sina Rocco Nacino at Sanya
Lopez with Encantadia 2005’s na sina Alfred Vargas and Diana Zubiri na ngayon
ay gumaganap bilang sina Amarro at Lilasari.
Ang ganda lang tingnan ng photo nila together. Pero may tanong lang kami: kailan ba talaga
ipapakita si Amarro? Intrigued kasi kami baka may continuation ang love story nila
ngayon dito sa top-rating primetime series ng GMA.
-0o0-
Architect cum
actress in the making pala itong si Mikee Quintos. Sa naganap kasi niyang fans
day recently, ibinahagi ng Encantadia star, na isang architecture student sa
isang kilalang unibersidad sa Maynila, ang pagmamahal niya sa art through
drawing at pagkukulay. Ayon sa mga ito, nakaka-inspire raw ang dalaga
dahil hindi ito sumusuko sa pag-aaral niya kahit na sobrang busy sa tapings sa
Encantadia.
Nabanggit na rin natin ang Encantadia,
hindi rin kaya sukuan ng karakter ni Mikee na si Lira ang matigas na puso ni
Pirena (Glaiza de Castro) upang umanib na sa kanila at talunin si Hagorn (John
Arcilla)? Paano kaya nito mapapalambot ang puso ng kanyang Ashti? Bilib kami sa
personality ni Lira dito dahil kahit na anong pagmamalupit ang ipakita sa kanya
ni Pirena, nagagawa pa rin niya itong kausapin na parang wala itong masamang
sinasabi sa kanya.
No comments:
Post a Comment