Monday, January 23, 2017

TOMMY AT MIHO, NON-STOP KILIG AT LAMBINGAN ANG PASABOG SA “FOOLISH LOVE”!


            Biggest discovery ng Pinoy Big Brother ang nabuong loveteam nina Tommy Esguerra at Miho Nishida.  Umani agad ang followers ang dalawa at nabuo ang To-Miho loveteam dahil sa pagiging natural nila sa pagiging sweet at karisma na nagustuhan ng manonood.
            Maging ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde ay napansin ang pagmamahal ng publiko kina Tommy at Miho. Binigyan sila ng unang acting break sa big screen sa first romantic comedy movie of the year, ang “Foolish Love” mula sa Regal Entertainment, Inc.
            Isang barrista si Tommy sa movie at kasama niya sa trabaho si Miho. ‘Yun nga lang, kursunada ang amo niya si Miho pero tinanggihan niya ito at mas pinili niyang sa kandungan ni Tommy manatili.
            Siyempre pa, hindi mabibigo ang fans ng To-Miho na masaksihan ang nilalanggam na katamisan ng mga idolo. Hindi naman nahirapan si direk Joel Lamangan na kumbinsihin ang dalawang ilabas sa screen ang lambingan nilang kinakiligan ng kanilang fans.

            “First time man nilang umarte sa big screen, pasado sila sa panlasa ko. Wala nang arte pag sinabi kong kailangan nilang maghalikan sa scene. Bigay na bigay nga sila at ramdam ang pagiging in love nila sa isa’t isa,” pahayag ni direk Joel.
            Wala kasing kaplastikang nagaganap sa magka-loveteam. Kahit nga off camera, nilalanggam sila sa katamisan, huh! Pero nandoon din ang pagiging seryoso nila sa kanyang craft. Kaya nama heto, araw-araw na silang napapanood sa Kapamilya morning series na “Langit at Lupa.”       
            Unlikely pair mang masasabi sina Tommy at Miho. ‘Yun nga lang, hindi natuturuan ang puso. Nagkagustuhan at nagka-in-love-an.
            Masasaksihan ang magic sa screen nina Tommy at Miho sa January 25, ang playdate ng “Foolish Love.” Kasama nila sa rom-com sina Jake Cuenca at Angeline Quinto na may sarili ring kakilig-kilig na kuwento ang pagmamahalan!
                               

                  

No comments:

Post a Comment