Monday, February 27, 2017

Destined To Be Yours, magpapakilig at magpapa-ibig sa worldwide premiere ngayong Pebrero 27




Malapit nang matapos ang paghihintay ng fans ng phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sa Lunes (Pebrero 27) na magsisimula ang first-ever teleserye nila together, ang Destined To Be Yours. 
Iikot ang kuwento ng Destined To Be Yours kina Benjie Rosales (Alden) at Sinag Obispo (Maine), dalawang magkaibang tao mula sa dalawang magkaibang mundo, at kung paano sila pagtatagpuin ng tadhana.
Masayang ibinahagi ni Alden ang excitement niya sa highly-anticipated na soap. Aniya, “Sobrang happy ako with the team and with the actors na nakakasama po namin dahil ramdam ko po ‘yung passion nila to make the soap work and to make the script very effective sa audience and sa actors as well.”
Nais naman ni Maine na matuwa at maging proud ang mga sumusuporta sa kanila. “Ginawa namin itong soap na ito para sa aming fans. Ang talagang importante sa amin ni Alden ay magustuhan nilaSana matuwa sila at maging proud sila sa akin, sa amin.”

Itinatampok din sina Ms. Boots Anson Roa, Ms. Lotlot De Leon, Gardo Versoza, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Ina Feleo, Sheena Halili, Dominic Roco, Juancho Trivino, RJ Padilla, Koreen Medina. Makakasama rin sa seryeng ito ay ang nagbabalik-Kapuso na si Ms. Janice de Belen.
Mula sa direksyon ni Irene Villamor, huwag palalampasin ang inaabangang worldwide premiere ng Destined To Be Yours ngayong Lunes pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad. 

No comments:

Post a Comment