Monday, February 27, 2017

JOSEPH MARCO,SOFIA ANDRES, KIKO ESTRADA, DEVON SERON , ALBIE CASINO AT CHERISE CASTRO, THE NEXT IMPORTANT STARS, TAMPOK SA “PWERA USOG’!


Bidang-bida ang tinaguriang The Next Important Stars ngayon na sina Joseph Marco, Sofia Andres, Kiko Estrada, Devon Seron, Albie Casino at Cherise Castro sa out and out horror film na “Pwera Usog” mula sa Regal Entertainment, Inc.
Isa si Joseph sa in demand leading men ng Kapamilya Network. Mula sa pagiging second lead, umangat ang status niya nang maging bahagi siya ng teleserye na “Passion de Amor” at Dolce Amore.” Ngayon nga ay napapanood siya sa series na “Wildflower” subalit last year, naging full-pledged leading man siya sa big screen sa pelikulang “My Rebound Girl.”
Dito sa “Pwera Usog,” girlfriend siya ni Sofia/Jean na kahit hiwalay na sila eh hindi pa rin nawawala ang pagmamahal sa babae. Anak siya ng isang doctor kaya hindi naniniwala sa usog, anting-anting at albularyo.
Nabighani naman ang marami nang mapanood si Sofia sa “Princess & I.” Lalo naakot ang manonood sa kanya nang lumabas siya sa pelikulang “Relaks, It’s Just Pag-ibig” na sinundan ng teleserye na “Forevermore.”

Sa “Pwera Usog,” siya si Jane na isang millennial na may prank channel sa internet. Komo may galit sa ama at insecure sa kapatid,  gumawa siya ng kalokohan sa internet na naging mitsa ng kanyang enkuwentro sa kababalaghan at kapahamakan.
Ayon sa kay direk Paul, bakas ang confidence kay Sofia pagdating sa pag-arte kaya may malayo ang mararating niya.
Mula sa angkan ng mga Estrada si Kiko, anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz. Nagsimnula siya bilang Star Magic artist pero sa ngayon ay nasa bakuran na siya ng Kapuso Network. Nahasa na rin siya sa pagganap sa drama at ilan sa markado niyang TV series ay ang “Sinungaling Mong Puso,” “That’s My Amboy, “Strawberry Lane” at iba pa.
Sa “Pwera Usog,” siya si Quintin na kaibigan ang batang kalye na si Luna (Devon). Nagakaroon siya ng kaalaman sa albularyo sessions dahil sa pag-ampon sa kanya ni Inday Minda. Naging daan din siya upang mailigtas sa kapahamakan ang kaibigang si Luna.
Contestant naman si Devon sa Pinoy Big Brother. Pinalad siyang makuha ang Teen Big 4th Placer sa final night. Huli siyang napanood sa TV sa series na “Be My Lady” at isa siya sa “It’s Showtime” Girltrends.



Sa “Pwera Usog,” siya si Luna, isang taong grasa na hindi alam na sinapian na ng hiwaga ni Catalina (Eula Valdes). Lumaki sa kalye at ang kaibigang si Quintin (Kiko Estrada) ang naging sandigan niya sa nanlalait sa pagkatao niya.  Pinaglaruan siya ni Jane/Sofia sa isang video kaya natuklasan ang lihim ng pagkatao niya.
“Wala siyang arte sa katawan. Nandoon ang dedication niya upang pagbutihin ang kanyang craft. Napabilib niya ako sa role niya,” saad sa kanya ng director.
Naging popular naman si Albie nang maging bahagi ng remake sa TV ng Mara Clara. Nasangkot man siya sa isang kontrobersya, hindi naging hadlang ito upang pagbutihin ng young actor ang kanyang craft. Naging bahagi siya sa series na “On The Wings of Love,” “Ang Probinsyano,” “100 Days To Heaven” at iba pa.
Pagdating sa movies, hinangaan siya sa “The Animals,” “Shake, Rattle & Roll 14,” “Somebody to Love,” “That Thing Called Tanga Na,” “The Escort” at “Die Beautiful. Sa bagong project niyang “Pwera Usog,” siya si Bobby na boyfriend no Val (Cherise) na tinutulungan si Jean (Sofia) sa prank videos na pinagkakakitaan nila.
Si Cherise naman, hindi lang pagkanta ang talento ng Regal Baby.  Bumilib sa kanya acting niya si Roselle Monteverde sa “Pwera Usog.” Nakalabas na rin siya sa ilang Regal movies at sa TV drama na “Ipaglaban Mo” subalit dito sa horror movie umangat ang talento ni Charise.
Cameraman ni Jane/Sofia si Cherise bilang Val. Sila ang magkakuntsaba sa pagggawa ng prank videos na naging sanhi ng engkuwentro nila sa kababalaghan.
Pagdating naman sa senior actress, natupad ang pangarap ni direk Jason na makatrabaho si Eula Caldes. “She’s a terrific actress!” sambit ni direk Laxamana sa premayadong aktres.
  Baguhan mang masasabi ang anim na next important stars ng “Pwera Usog,” palaban sila sa aktingan at hindi malayong tanghalin silang malalaking artista dahil nandoon ang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho.
Ang “Pwera Usog” ay siguradong magugustuhan ng millenials na dahil sa makabagong teknolohiya eh ay binabale-wala na ang pamahiing bahagi na ng kulturang Pinoy.
Gayunpaman, nakakabilid din ang pwersang ipinamalas ng millenials nang mapanood ang teaser at trailer ng “Pwera Usog.” Take note na sa ilang araw nang pagpapalaba nito, dumagsa ang 5M views, shares at like, huh!
Sa Marso 8 na mapapanood ang “Pwera Usog.”

No comments:

Post a Comment