Thursday, February 16, 2017

ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO SA #HSHNakawPo

Guests sina Enrique Gil at Liza Soberano sa “Home Sweetie Home”  sa Sabado sa ABS-CBN 2.  Ang nasabing sitcom ay tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

May hashtag ito na #HSHNakawPo


Napanood sa TV ng pamilya ang bagong modus ng mga magnanakaw—ang lalagyan ng ala-dollar sign ang mga bahay na kanilang target. Saktong may mga nakita silang signs na nakasulat sa mga gates sa kanilang lugar.
Nag-panic ang lahat. Si Obet, nagpa-bida at binura ang mga “signs” na iyon. At bilang dagdag security daw, chine-check pa ni Obet lahat ng gamit at identification ng mga dumadaan sa kanila. Ano ang mangyayari?


May bagong motor si Ed dahil malaki-laki ang kanyang naging komisyon sa Soo Agency. Nagpaalam pa siya kay Sir Paeng na magli-leave dahil kasal ng kapatid niya at family reunion na din. Laking gulat ng lahat nang pinayagan siya ni Sir Paeng… Pero natakot din si Ed dahil baka cost cutting na ito ni Sir Paeng. Nagsara daw kasi yung isang branch ng Soo Agenc y at delayed pa ang kanilang budget. Nag-panic ang lahat na baka kinakailangan mag-bawas ng empleyado.  Ano ang real score?

No comments:

Post a Comment