Monday, October 19, 2015

ALDUB SA PHILIPPINE ARENA



Gagawa na naman ng record  ang AlDub sa pagtatagpo nila sa October 24 sa Philippine Arena para sa isang concert titled "Tamang Panahon". Sold out na raw ang tickets.
Grabe .. kung 'yung wala si Yaya Dub, matindi ang  kilig factor  nila na nag-uusap sa telepono, 'yun pa kaya magtagpo sila? 
Ang daming napasaya sa  usapan nina Alden Richards at Maine  Mendoza sa telepono nung 3rd monthsary nila. Lalo na nang sabihin ni Alden ang “I  Miss You”.
Una ay bumati si Yaya Dub ng “Happy Monthsary”. Nagpasalamat dun siya kay Alden sa pasalubong nito galing ng Japan.
Nag-request din ng Dubmash si Yaya Dub kay Alden.
“Mas magaling ka na sa akin,” sey ni Yaya Dub.
“Idol kiya,eh!” sagot naman ni Alden.
Nag-request  din ng kanta si Alden kay Yaya Dub.
Kumanta ito at sinabayan pa ni Alden.
Havey pa rin ang kalyeserye kahit hindi nakikita si Yaya Dub.

No comments:

Post a Comment