Monday, October 19, 2015

ROBIN PADILLA AT CESAR MONTANO, CRUSH NI ATTY LEILA DE LIMA!!!


Matindi ang dating sa masa  ni  Atty. Leila de Lima ( dating  Secretary of Justice at ngayon ay tumatakbong senador sa Liberal Party-led Koalisyon ng Daang Matuwid)  dahil pinagkaguluhan siya sa ginawa niyang block screening ng “Heneral Luna” sa Trinoma nu’ng Sabado. Inimbita niya ang mga friends niya at ilang estudyante.
Ang daming nagpapa-picture sa kanya bago nakapasok sa sinehan.
Pag may oras si Atty. De Lima ay mahilig din siyang manood ng sine. Pero nu’ng maging Secretary of Justice siya ay sa eroplano pa raw siya huling nakapanood ng pelikula.
Aminado siyang ninenerbyos  dahil first time niyang nakatsikahan ang movie press.
“I know na mas marunong kayong mag-grill du’n sa mga unchartered territory ni Leila de Lima. ‘Yung hindi masyadong nakikita, ‘yung hindi masyadong alam ng mga tao. Alam ko, susubukan n’yo,” tumatawa niyang pahayag.
Natawa tuloy siya nu’ng tanungin ang kanyang showbiz crush. Buong ningning din niyang sinabi na sina Cesar Montano at Robin Padilla. Sey pa niya, sana raw i-endorse siya ng mga ito sa kandidatura niya bilang Senador. 
Tinanong din siya  kung mahirap bang mahalin ang isang Leila de Lima at napahalakhak siya  sa tanong.
“Sinasabi ko na nga, iba talaga kayong magtanong. ‘Yung mga ganyang questions, first time kong na. . .(encounter). Kayo lang ang mayroon talagang lakas ng loob na magtanong ng mga ganyang klaseng tanong,” bulalas niya.
“Siguro nga, mahirap. Because ‘yun ang problema kasi, wala talaga akong oras masyado sa kanila. Ang boyfriend ko at saka nagiging asawa ko, ‘yung trabaho ko.Pero siyempre, bilang babae, naa-attract din ako paminsan-minsan and therefore, in between, meron din relationship. But not so serious relationships,” pakli niya.
Masuwerte raw siya sa public life niya pero hindi siya naging masuwerte sa private life. Her marriage was annulled and there were a few relationships after that but they also all failed.
Nang tanungin kung sino ang gusto niyang kuning artistang mage-endorse sa kanya, si Eddie Garcia dahil pareho silang Bicolano.
Manoy kasi ang tawag kay Eddie at ang ipinu-push niya raw na slogan ngayon ay “Kay Manay, pantay-pantay”.
Pero kung sino raw ang artistang willing mag-endorse sa kanya ay okay na okay daw sa kanya.
Pag isasapelikula naman ang buhay niya, bagay raw si Dina Bonnevie na gumanap.

No comments:

Post a Comment