Higit
na magiging kapana-panabik ang grand finals night ng
“A
Song Of Praise Music Festival - Year 4” na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum ngayong October 13, 6PM. Ang hosts ay sina Toni Rose Gayda at Richard Reynoso para
sa UNTV 37.
Ngayong
Year 4, iba’t-ibang genre ng mga praise song composition ang pumasa sa panlasa
ng ating mga monthly assigned judge na naghatid sa kanila sa grand finals
night.
R&B
ang komposisyon ng Cavitenong si Benedict Sy na "Walang Hanggan" sa
interpretasyon ng dating keyboardist ng grupong South Border na si Maki
Ricafort.
Angkop
naman sa matamis na boses ni Acoustic Sweetheart Sabrina ang "Mahal Mo
Ako" sa komposisyon ni Maria Loida
Estrada na mula pa sa Zamboanga City.
Sigurado
namang Last Song Syndrome o LSS ka sa "Jesus I Love You" na likha ni
Timothy Joseph Cardona, sa interpretasyon ni 5thGen member RJ Buena.
Tuwing
grand finals night, hindi mawawala ang mga “Birit” song composition gaya ng
awiting "Kung Pag-ibig Mo'y Ulan" na isinulat ni Christan Malinias
from Baguio City sa interpretasyon ni “The Voice” Season 2 finalist, Leah
Patricio; back to back dito ang song composition "Dakila Ka Ama" na
likha naman ni Ella Mae Septimo sa interpretasyon ni Ruth Regine Reyno na mula
sa girl group na Ch4rmd.
May
power ballad din para sa mga kalalakihan gaya ng "Dinggin Mo, oh
Dios" sa panulat ng isang OFW na si Cris Bautista, sa interpretasyon ni
WCOPA Senior Vocalist of the World Reymond Sajor;
Ang
awiting "Alabok" na likha ng call center agent na si Jesmer Marquez
na bibigyang buhay naman ni Actor, Singer, Indie film Director, Jeffrey
Hidalgo;
Ang
komposisyon naman ni Leonardo de Jesus III na "Pahintulutan Mo" ay
isa sa mga power ballad na inaasahang mag-iiwan ng tatak sa ating mga puso at
isip. Aawitin ito ni Singing Chemist, Philippe Go sa grand finals night;
Kasama
nito ang "Pakamamahalin din Kita" sa komposisyon ng isang Science
teacher na si Dennis Avenido sa interpretasyon ni music royalty, Nino
Alejandro.
Samantala,
kakaibang kwento naman ang kung paano isinulat ng mga kompositor ang mga
sumusunod na awitin.
Si
Joseph Bolinas na isang music teacher ang sumulat ng awiting "Sabik
sa'Yo" na dahil sa kanyang gitara na madalas dalhin sa umpukan sa kanto ay
mapalad na nakasali sa grand finals.
Aawitin naman ito ni Ney Dimaculangan na dating vocalist ng bandang
6-Cyclemind.
Inihambing
naman ng isang tricycle driver na si Rolan Delfin sa araw-araw nyang pamamasada
ang byahe ng kanyang buhay kaya nalikha niya ang "Ikaw na lang Mag-drive
ng Buhay Ko" na aawitin ng komedyanteng si Betong Sumaya.
Mula
sa isang tanong ni Dennis Roxas ang "Salamat Po, Ama." Mga tanong na
hinahanapan niya ng tamang kasagutan na nagbigay daan sa kanya upang makalikha
ng isang awitin. Ang aktor na si Jojo Alejar naman ang aawit
nito sa finals.
Sa
grand finals night, sasamahan tayo ng mga batikan sa larangan ng sining at
musika upang maging panel of judges gaya nina Ryan Cayabyab, Celeste Legaspi, Jett
Pangan, Jungee Marcelo, Mon del Rosario, Lachmi Baviera.
Naglalakihang
pa-premyo rin ang naghihintay para sa ating mga mapalad na magwawagi…50
thousand pesos and plaque for “Best Music Video Award,”
50
thousand pesos and plaque for “People’s Choice Award”
50
thousand pesos and plaque for “Best Interpreter” , 100 thousand pesos para sa
3rd runner-up, 150 thousand pesos para sa 2nd runner-up, 250 thousand pesos
para sa 1st runner-up at 500 thousand pesos para sa "Song of the
Year"!
No comments:
Post a Comment