Jackpot sa takilya ang romantic-comedy nina Jennylyn Mercardo at Sam Milby na “The Pre-Nup” nu’ng opening day last Wednesday! Humamig ito ng P8M sa takilya at nagustuhan ang performances ng lead and supporting stars pati na husay ng direksyon ng award-winning director na si Jun Lana.
Naihatid din ng pelikula ang layunin na mailarawan ang epekto ng isang pre-nuptial agreement bago ikasal ang dalawang tao sa masayang paraan.
Maging sa social media, Twitter, Face Book at Instgram, nagbubunyi ang nakapanood ng movie sa kilig pa more na dala nina Jen at Sam. Trending din sa Twitter ang first day showing nito dahil aprub na aprub sa netizens ang Pinuy na Pinoy na tema ng “The Pre-Nup.”
Eh, lutang na lutang at bentang-benta sa moviegoers ang galing nina Jen at Sam sa mga kilig scenes nila sa movie. ‘Yung nakatutuwa nilang mga eksena sa New York City ay hinangaan ng manonood. Patunay lang na gumastos nang todo ang Regal Entertainment sa romantic-comedy film na nilahukan pa ng fun, laughter and romance mula simula hanggang saw akas.
Maraming ring lalaki ang nagsu-swoon sa ganda ni Jennylyn sa screen habang ang mga babae ay guwapung-guwapo sa katauhan ni Sam. Bagay na bagay ang character nilang dalawa na isang kikay na babae at seryosong lalaki.
Maging ang mga supporting stars ng “The Pre-Nup” ay pinapalakpakan ang performances at pagbitiw ng mga dayalog. Si Melai Cantiveros na lumabas na “sister” ni Jen, giba ang sinehan sa kanyang pagpapatawa! Damang-daman naman ang pagiging aristokrata ni Jaclyn Jose bilang ina ni Sam.
Ang lumabas na “magulang” ni Jennylyn na sina Gardo Versoza at Dominic Ochoa ay maraming moments din na ikinatuwa ng manonood.
Graded B ng Cinema Evaluation Board ang “The Pre-Nup” at ang MTRCB rating nito ay Parental Guidance.
Makisaya, maki-iyak at ma-in love sa ultimate kilig movie of the year na “The Pre-Nup”!
-0o0-
Hindi
maitatanggi na naaliw kami sa pelikulang “The PreNup” nina Sam Milby at
Jennylyn Mercado nu’ng mapanood namin ito.
Sobrang tawa namin.
Havey
si Jennylyn sa comedy. Nasa timing ang pagbitaw sa punchline lalo na sa
dialogue niyang ‘tantado’.Pang-best actress na talaga si Jen in a comedy role.
Sobrang
kinikilig din kami sa chemistry nina Jennylyn at Sam. Ang sarap-sarap at guwapo
ni Sam sa movie. Hindi siya mukhang ngarag at fresh ang aura.
Isa
pang napansin namin sa pelikula ay ang husay ni Neil Coleta bilang kloseta.
Mahaba pala ang role ng binata dito at nabigyan
niya ng justice. Hanep din ang paghahabol ni Melai Cantiveros sa kanya
sa pelikula na kung saan ay may eksenang napatawa kami nu’ng maglupasay si
Melai na iniwan ng sasakyan samantalang
bumili pa ng bagong sapatos.
Gusto
rin namin ang mahusay na acting nina
Gardo Versoza at Jaclyn Jose. Napaiyak naman kami ni Dominic Ochoa sa
isang eksena nila ni Jennylyn na may pinagdadaanan sa lovelife.
Showing pa rin ang
super kilig movie of the year na kung saan ay maraming scenes na kinunan
sa New York. Handog ito ng Regal Entertainment.
Feel good ang pelikula ni Direk Jun Lana.
No comments:
Post a Comment