Thursday, October 1, 2015

CLARENCE Anti-Aging ,Slimming and Dermatology Centre , interesado sa AlDub!!!





Nakita namin ang   Grand Winner ng Eat Bulaga Super Sireyna  na si Francine Garcia
 sa  6th year Anniversary ng CLARENCE  Anti-Aging ,Slimming and Dermatology Centre  na matatagpuan sa  2nd flr Mila Holdings Bldg. 28 Jupiter St.  Cor. Astra St., Bel Air Makati City.


“Tinapos ko pa ang AlDub kalye-serye kasi nga nakakakilig,” tumatawa niyang pahayag dahil late siya.
Isa si Francine sa endorsers ng nasabing derm clinic kasama sina Vivian Velez,  Maureen Mauricio,The Voice Kids Darren, Darlene, Lyca, JK  for Clarence Teens & Kids , Kyline Alcantara, Francis Cabral, mga commercial models na sina Cj Reyes at Christopher Sengseng. 

Ang Clarence ang nag-aalaga sa kutis at hubog ng katawan ni Francine na kung saan ay naghahanda siya  para sa laban niya sa MISS INTERNATIONAL QUEEN sa PATTAYA, THAILAND sa Nov. 6, 2015. Dito nanalo si Kevin Balot nu'ng 2012.
Nakatsikahan din  namin ang owner ng "Clarence" na si Dra Joan Clarence- Morallo. Gustong-gusto niyang kunin ang AlDub na maging endorsers pero patapos pa lang daw ang contract ni Alden sa ibang clinic.

Followers din siya ng AlDub.
"Nu’ng una hindi ko napapanood nakikita ko lang sa newsfeed ng FB dahil nag trending, then one time napanood ko siya habang traffic, sabi ko nga...ang ganda pala nito may aliw at kilig factor . Nag-watch na ako at like ko na sina Alden Richards at Maine Mendoza,” bulalas niya.
"Kung may chance nga sana gusto kung maging endosers yung dalawa (Alden) at
 (Maine) kaso ang alam ko meron na silang ini-endorse same like this," sey pa niya
.

Anyway, maganda si Dra. Joan. Napagkamalan nga namin na celebrity endorser din  siya  ng Clarence dahil batam-bata at  maganda.
 " Less stress, happy family at alagang Clarence Slimming and Dermatolgy Centre ang  mga sikreto ko,"deklara niya.
Sa mga gustong magpa-alaga ng skin, maging fresh, magmukhang bata at  maging super sexy, tumawag lang sa CLARENCE,  897-2348/ 0906-5459628/0998-573348.  info@clarencemd.com . Experience the Beauty of Attainability.

No comments:

Post a Comment