Monday, October 12, 2015

THE PRENUP NINA JENNYLYN AT SAM, ULTIMATE KILIG MOVIE OF THE YEAR



Malulunasan ang pagka-uhaw ng publikong humaling na humaling sa tinaguriang Woman of Desire ng taon na si Jennylyn Mercado! Mapapanood siya sa Ultimate Kilig Movie of The Year, ang “The PreNup” mula sa Regal Entertainment ngayong Oktubre 14!
 Huling nasaksiksahan ng mga manonood si Jen sa 2015 MMFF surprise blockbuster na “English Only, Please!”  Hindi lang ganda ng mukha at taglay na alindog ang hinahangaan sa kanya kungdi ang galing niya sa pag-arte sa romantic-comedy film dahil tinaob niya ang kalabang aktres at inuwi ang Best Actress Award ng 2015 MMFF.
 Higit na kuminang ang pagiging aktres ni Jennylyn nang siya ang tanghaling Sexiest Woman ng FHM. Taglay niya ang face to love and body to die for kaya siya ang nanaig sa lahat ng nagseseksihan artistang babae na kasabayan niya! Dahil dito, lalong nagnining ang bituin ni Jen kaya naman walang daloy ang dating ng biyaya sa kanyang career!

 Sa darating na Oktubre 14, isa na namang pasabog ni Jen ang hatid niya sa nagmamahal sa kanya. Sa movie, inilabas muli niya ang angking talento sa isang masayang movie na punumpuno ng kilig, sweet moments at nakaka-in love na mga eksenang first time lang niyang ginawa sa isang movie.
Eh, sa una ring pagkakataon, ang guwapo’t mabait na aktor na si Sam Milby ang karomansahan niya. ‘Yung pagiging tahimik na tao si Sam ay ginising niya Jen sa kanilang malalagkit na mga eksena! Saksi ang Central Park, Times Square at matulaing lugar sa New York sa maliligayang sandali nina Sam at Jen.


 Pahayag nga ni Sam, “Jen is every man’s dream!” Kaya malapit na malapit sa katotohanan ang mga eksena nilang naghahalikan at naglalampungan sa kama, huh!
 Eh, wala namang inaaming  boyfriend si Jennylyn. So kung ligawan man siya ni Sam eh, hindi malayong i-entertain niyan ang binata!  Kaya nga huwag magtaka na kung sakaling tapos nang ipalabas ng rom-com movie nila at nakikita silang mag-date, ang ibig sabihin lang nito at nahulog na sa isa’t isa ang loob nila, huh!

Ilang buwan na ring hindi nakakatikim na matinding kilig ang romantic moviegoers. Saktung-sakto ang dating ng “The PreNup” dahil umaapaw talaga ang kilig na  dala nina Jen at Sam. Kumbaga, perfect match made in New York City ang nangyari kina Jen at Sam na lalong ikinaganda ng pelikula!
Kasama rin sa cast ng “The PreNup” sina Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Dominic Choa, Ella Cruz, Freddie Webb at marami pang iba. Matutunghayan ang non-stop kilig mula kina Sam-Jen sa premiere nito sa Oktubre 13 sa SM Megamall, 7PM
 Ang “The PreNup” ay mula sa direksyon ng premyadong director na si Jun Lana na napapanganga na lang sa kasiyahan sa effortless na pagpapakilig nina Jennylyn at Sam!

No comments:

Post a Comment