Thursday, October 1, 2015

MEGAN YOUNG, NAKA-RELATE SA TANGGALAN BLUES SA STARSTRUCK!


Hindi itinanggi ng Miss World 2013 na si Megan Young na kinabahan pa rin siya noong unang live episode ng pinakabagong season ng Starstruck.
 Ani ng aktres, “Actually medyo kinabahan ako. Pagkarinig ko pa lang ng heartbeat, parang biglang nagbabalik ‘yung mga alaala noong nasa stage ako tapos magkakahawak kami ng kamay ng mga kasama ko. Feeling ko talaga any moment matatanggal ako.”
 Bagamat may “first taping jitters,” masaya naman si Megan na makatrabaho ang kanyang co-host na si Dingdong Dantes
Kwento pa ni Megan, “It’s a different kind of hosting. Medyo kinakabahan ako pero everyday I’m really excited and looking forward to the weeks to come. It’s great hosting with Kuya Dong. Kapag nasa stage kami, nag-oobserve pa rin ako. Nakakatuwa kasi I’m learning along the way even from just observing pa lang.”
 Mapapanood ang Starstruck gabi-gabi bago mag-24 Oras sa GMA.  Ihahayag na ngayong araw na ito ang Ultimate  Final 14.


No comments:

Post a Comment