18 TAON SA
ENTERTAINMENT INDUSTRY.
Bagong
produced na single, “Payag.”
Series of
concerts sa Music Museum.
Ang lahat ng
ito ay nagsisimula ng gawin ng isa sa mga itinuturing na rin ngayong icon
pagdating sa larangan ng musika at pagsusulat, si Gloc-9.
Sa bago
niyang self-produced single na “Payag,”
na kasabay ng unang araw ng 18 taong anibersaryo niya ngayong September
nilabas, tila napapanahon din ito sa kalagayan ng bansa, kunsaan, papalapit na
ng papalapit ang 2016 election at maaari itong maging salamin ng bawat Pinoy sa
kung ano ang pinaniniwalaan at gustong paniwalaan.
At ngayong
October, makakasama si Gloc-9 sa apat na sunod-sunod na Sabado (October 10, 17,
24 & 31) sa Music Museum para sa kanyang
ANG KWENTO NG MAKATA: Gloc-9 Live!
Ito ang
kanyang kauna-unahang concert series kasama ang kanyang bandang GLOCNINE at mga
special guests. Ito na rin ang pasasalamat
ni Gloc-9 sa loob ng 18 taong suporta at pagmamahal na ipinagkakaloob sa kanya,
lalo na ng mga mahihilig sa musika.
“Sa 18 years
ko po sa larangan na ito, halos mahigit kalahati po noon ang puhunan ko para
matandaan ng tao ang aking pangalan. Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng
kabaitan at suporta na ipinakita ng mga tao sa akin. Excited po at kabado rin
sa series of shows na gagawin namin ngayong October pero at the
same time, ito rin po ay aking pasasalamat para sa lahat ng tao na sumusuporta
sa amin."
Karamihan ng
kakantahin ni Gloc-9 sa Ang Kwento Ng Makata: Gloc-9 Live! ay mga orihinal na
kantang naisulat niya. Sa mga manonood, siguradong makikita sa pamamagitan ng
kanyang awitin kung anu-ano ang kwento, damdamin at saloobin niya sa loob ng
labing-walong taon sa industriya.
Sa kabila ng
tagumpay na tinatamasa ni Gloc-9, ni minsan ay hindi raw niya inisip na siya ay
sikat. At posibleng yun ang formula sa
tanong kung bakit siya naging matagumpay.
“Dasal po at
ang palaging pagsabi sa aking sarili na ako ay mananatiling fan ng musika,”
saad niya.
Sasamahan si
Gloc-9 ng mga kaibigan niya sa industriya.
Sa Oct. 10,
special guest sina Aiza Seguerra, Bamboo, Jay Durias, Jennylyn Mercado, Kylie
Padillaand Marc Abaya.
Oct. 17 -
Chito Miranda, Ebe Dancel, Janno Gibbs, Jonalyn Viray and Rico Blanco.
Oct. 24 -
Ebe Dancel, Jolina Magdangal, Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid and
YengConstantino.
Oct. 31, Ebe
Dancel, Jay Durias, Julie Ann San Jose and Kz Tandingan
Regular
guest naman sina Maya, Migz Haleco,
Reese and Rochelle Pangilinan.
Mabibili ang
tickets sa ticket world at 891.9999 and Music Museum at 721.0635/721.6726.
Sponsored
by:Belo Medical Group, Be Belo Beautiful Today. Motortrade, Motorsiklo
Sigurado, Alaga Ka Dito Guitar
Media
Partner: www.pep.ph
For the
benefit of YES PINOY FOUNDATION