Wednesday, September 30, 2015

PAELLA NI CHIZ, NAGPALAMBOT SA PUSO NG PARENTS NI HEART


 Dinaan pala ni Sen. Chiz Escudero sa pagkain ang pagsuyo sa mga magulang ng misis na si Heart Evangelista.
 Ibinahagi ni Chiz ang kwento sa likod ng pagbabati nila ng kaniyang mga biyenan matapos ang inisyal na pagtutol ng mga magulang ni Heart sa senador.
 Ipinakita ng Mommy Cecile at mga kapatid ni Heart ang suporta nila kay Chiz nang dumalo sila sa pagtanggap ng alok ni Sen. Grace Poe na maging bise president kamakailan sa Club Filipino sa Geenhills, San Juan.
 Hindi naman nakadalo ang daddy ni Heart dahil kasalukuyan pa itong nagpapagaling sa isang karamdaman, ayon sa aktres.
 “Dasal, pagluluto at siguro may mga bagay-bagay lang na hindi mo na kailangang pag-usapan pa o pagkuwentuhan. Sa pagdaloy lamang ng panahon, anumang sugat naghihilom,” sagot ni Chiz nang tanungin sa isang panayam sa radyo kung paano niya sinuyo ang mga magulang ni Heart.
 “Paella,” ang sagot ni Chiz nang tanungin kung anong putahe ang nagpalambot sa puso ng mga magulang ni Heart.

 Minsan nang ipinamalas ni Chiz ang galing sa pagluluto ng paella nang mag-guest sila ni Heart sa show na “Sarap Diva” ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. 

 Maliban sa paella, ipinagmamalaki rin ng senador ang kaniyang adobo rice with crispy adobo flakes na paborito naman ng kaniyang kambal na tsikiting. 

No comments:

Post a Comment