Tumanggap ng bago at natatanging parangal bilang Batangas Governor si
Vilma Santos-Recto. Kinoronahan siya bilang Queen of the Province, Holder of
Authority ( Baealabi A Gausa Sa Batangas) ng Muslim Community ng
probinsiya noong Sabado, Setyembre 26, sa Lima Park Hotel sa Malvar/Lipa
City Batangas.
Ang Royal Highness Sultan Paramount Faizal Coyogan Benaning Bansao ng Royal
Houses ng Sultanate of Batangas ang nag-crown at nag-confer ng title kay Gov.
Vilma sa isang Royal Enthronment Ceremony.
Mahigit tatlong libong Muslim brothers at leaders ang sumaksi sa seremonyas na
‘yon hindi lang galing sa Batangas kungdi kungdi sa ibang bansa rin gaya
ng Brunei at Malaysia. Proud at dama ang excitement sa gobernadora na dumalo sa
event habang suot ang isang Muslim costume.
“Malaking karangalan para sa akin dahil kasama ko ang mga kapatid an Muslim
para matupad ang maayos na programa sa Batangas mula pa ng Mayor ako. Salamat
kay Sultan Paramount Faizal Coyogan Cocoy Bansao . Mabuhay po kayo! Muli, sa
pangalan ng mga Batangeno at sa Mayor ng Lipa. MARAMING SALAMAT PO SA
KARANGALAN!!!” pahayag ni Gov. Vilma bilang pasasalamat.
Nais ding iparating ni Gov. Vilma sa mga nagmamahal sa kanya na labas na ang
cover niya kasama ang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto sa
October issue ng Yes! magazine. Sa same month na nakatakdang ipalabas ang
bago niyang movie mula sa Star Cinema kung saan kasama niya sina Angel Locsin
at Xian Lim.
No comments:
Post a Comment