Tuesday, September 29, 2015

QC INTERNATIONAL PINK FESTIVAL


Maganda ang adhikain ng  QC International Pink Festival kaya magkakaroon ito ng pangalawang taon na magaganap sa October 6-11 sa Gateway Cinema 1.
Tuloy na tuloy ito kahit hindi  naging box office hit ito  nu’ng  First  QC International Pink Festival last year.
Sey ni QCIPFF Festival Director Nick Deocampo,  sinalubong last year ang Pink Festival last year ng malakas na bagyo na ginanap sa Trinoma. Signal number 3 nu’ng araw na ‘yon na hindi malaman kung itutuloy ang  opening. Gusto sana nilang ipostpone ‘yun  pero sinuportahan sila ni Mayor Herbert Bautista at sinabing agahan na lang ang opening o bago dumating ang bagyo. Lumihis ang bagyo at naging maganda ang opening night nila.
Havey ang mga foreign movies  na kasali sa  QCIPF dahil ang closing film ay ang TEDDY Best Film mula sa USA na ‘Nasty Baby’ na winner sa Berlin Festival. Ang opening film naman ay ang documentary na Dressed as a Girl.
Mapapanood din ang mga local gay themed movies gaya ng  I Love You Thank You, Esprit de Corps, Esoterika: Maynila, Shunned at Pinoy Trasking.
Sambit pa ng  Quezon City Pride Council Chairman na si Direk Soxie Topacio, ang mga pelikula rito ay ipapalabas din nila sa mga bara-barangay sa tulong ng Pride Council ng QC. Magkakaroon daw  ng community screenings para ma-involve din ang mga komunidad.
Dagdag ni Direk Nick Deocampo, hindi lang sila sa sinehan magpapalabas ng mga pelikula dahil ayaw nila na pang-mall lang ito. Kaya sa loob ng isang taon ay iikutin nila ang mga barangay sa buong QC para ipalabas ito and promote equality, gay rights, health and education.
32  na pelikula  ang kasali sa 2nd QC Int’l Pink Filmfest .
Planong makipag-alliance ng QCIPFF sa iba pang Pink Film Festivals all over Asia gaya ng Taiwan, para lalo pang mapalaganap ang LGBT awareness all over the region.
Pak!


No comments:

Post a Comment