Monday, September 28, 2015

ANG KWENTO NG MAKATA: GLOC-9 LIVE! (October 10, 17, 24 & 31) SA MUSIC MUSEUM



18 TAON SA ENTERTAINMENT INDUSTRY.
Bagong produced na single, “Payag.”
Series of concerts sa Music Museum.

Ang lahat ng ito ay nagsisimula ng gawin ng isa sa mga itinuturing na rin ngayong icon pagdating sa larangan ng musika at pagsusulat, si Gloc-9.

Sa bago niyang self-produced single na “Payag,”  na kasabay ng unang araw ng 18 taong anibersaryo niya ngayong September nilabas, tila napapanahon din ito sa kalagayan ng bansa, kunsaan, papalapit na ng papalapit ang 2016 election at maaari itong maging salamin ng bawat Pinoy sa kung ano ang pinaniniwalaan at gustong paniwalaan.

At ngayong October, makakasama si Gloc-9 sa apat na sunod-sunod na Sabado (October 10, 17, 24 & 31) sa Music Museum para sa kanyang  ANG KWENTO NG MAKATA: Gloc-9 Live!

Ito ang kanyang kauna-unahang concert series kasama ang kanyang bandang GLOCNINE at mga special guests.  Ito na rin ang pasasalamat ni Gloc-9 sa loob ng 18 taong suporta at pagmamahal na ipinagkakaloob sa kanya, lalo na ng mga mahihilig sa musika.


“Sa 18 years ko po sa larangan na ito, halos mahigit kalahati po noon ang puhunan ko para matandaan ng tao ang aking pangalan. Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng kabaitan at suporta na ipinakita ng mga tao sa akin. Excited po at kabado rin sa series of shows na gagawin namin ngayong October pero at the same time, ito rin po ay aking pasasalamat para sa lahat ng tao na sumusuporta sa amin."


Karamihan ng kakantahin ni Gloc-9 sa Ang Kwento Ng Makata: Gloc-9 Live! ay mga orihinal na kantang naisulat niya. Sa mga manonood, siguradong makikita sa pamamagitan ng kanyang awitin kung anu-ano ang kwento, damdamin at saloobin niya sa loob ng labing-walong taon sa industriya.

Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Gloc-9, ni minsan ay hindi raw niya inisip na siya ay sikat.  At posibleng yun ang formula sa tanong kung bakit siya naging matagumpay.

“Dasal po at ang palaging pagsabi sa aking sarili na ako ay mananatiling fan ng musika,” saad niya.


Sasamahan si Gloc-9 ng mga kaibigan niya sa industriya.

Sa Oct. 10, special guest sina Aiza Seguerra, Bamboo, Jay Durias, Jennylyn Mercado, Kylie Padillaand Marc Abaya.

Oct. 17 - Chito Miranda, Ebe Dancel, Janno Gibbs, Jonalyn Viray and Rico Blanco.

Oct. 24 - Ebe Dancel, Jolina Magdangal, Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid and YengConstantino.

Oct. 31, Ebe Dancel, Jay Durias, Julie Ann San Jose and Kz Tandingan

Regular guest naman sina Maya, Migz Haleco,  Reese and Rochelle Pangilinan.


Mabibili ang tickets sa ticket world at 891.9999 and Music Museum at 721.0635/721.6726.


Sponsored by:Belo Medical Group, Be Belo Beautiful Today. Motortrade, Motorsiklo Sigurado, Alaga Ka Dito Guitar


Media Partner: www.pep.ph


For the benefit of YES PINOY FOUNDATION



No comments:

Post a Comment