Aside
from being an English newscaster of UNTV (Why News) and GNN, kokonti lamang ang
nakakaalam na may kakaibang hilig ang dating ABS-CBN Star Circle member na si William
Thio at ito ang pag-aalaga ng mga highly breed dogs para sa international
competitions. Katunayan, katatanggap lang nito ng kanyang lisensya noong isang
taon mula sa Philippine Canine Club. Inc. para maging hurado mula sa sa
Pomeranian breed.
Para
maging lisensyadong hurado, kailangan ang alaga mong aso ay naging champion by
points ng tatlong beses. "Para
ma-qualify ka to be a judge you have to breed atleast 3 champions then take
written exams and practicum twice. If
you pass, you will have probationary status and this will entitle you to judge
locally for 5 times before you can judge internationally."
Gusto
namin batiin si William sa kapapanalo ng kanyang Kennel breed, si Enzo noong
September 9, 2015 sa European Junior Champion Thai Silk sa Oslo, Norway na
mahigit sa isang libong mga aso ang nakalaban.
Maliban
dito, nanalo din ang kanyang top Pekingese na si Kenzo noong 2013 sa Best In
Show in Harsburg, Pennsylvania, USA at hanggang sa ngayon ito pa rin ang
kanyang paboritong aso.
Ang
pinakasikat nitong aso na si Pierce ay nanalo sa Eukanoba National Championship
noong 2010. Nanalo na rin ito sa
America, Thailand at dito sa atin. Kaya,
kung bibilangin ang kanyang napanalunang parangal ay umabot na ito ng mahigit
sa isang libo. "But there's no cash
prize here, it's mere passion. I just like to see my dogs win. I like to be able to create that I like and
seeing it being appreciated by many people as well. And also, understanding the hard work that
goes in the generation of breeding is more a great satisfaction,"
pagpapaliwanag nito.
Nagsimula
sa pag-aalaga ng mga aso si William noong 1986 at nagsimula siya sa malalaking
aso tulad ng Boxers dahil ibinabagay lang nito sa kanyang sarili na isang
atleta. Inamin nitong nakapagbenta na
siya ng ilang aso sa halagang isang milyon.
"But I don't sell puppies. I
try not but I sell them only when they are already champions. Right now, I'm
going to start on the younger generation and their handlers come different
countries to do the grooming for the dogs every now and then. My dogs don't
really stay here rather they go to different parts of the world to
compete."
No comments:
Post a Comment