Tuesday, September 22, 2015

HULAAN BLUES: HUNK ACTOR, NAKIKIPAGMATIGASAN

Nawawala na naman sa eksena ang isang hunk actor pagkatapos bumalik sa isang network.
Aba’y nakikipagmatigasan diumano ito  na  dapat may co-manager pag pumirma siya ng kontrata  (option to renew).
Ang network ang nag-build up sa kanya kaya hindi rin pumapayag ang nasabing istasyon  na magkaroon ng co-manager ang artist center ng network.

Ang masaklap na katotohanan, nalampasan na siya nang milya-milya ng young actor na kinaiinggitan niya habang nakikipagmatigasan siya. Malayo na agwat ng popularidad nila para humabol pa siya,huh!

No comments:

Post a Comment