Monday, September 28, 2015

'RESPETO AT PAGMAMAHAL ANG KAILANGAN NI SHERYL' - SEN. GRACE POE



Sa halip na kundenahin, respeto at pagmamahal ang kailangan ni Sheryl Cruz. Ito ang pahayag ni Senator Grace Poe  tungkol sa batikos ng pinsan sa sa kanya na  umano’y pagiging hilaw nito na maging susunod na Presidente ng Pilipinas.
 “I thank Sheryl for her opinion and concern for us. As family, we will continue to give her the love and respect she deserves,”  deklara niya.

Ipinagkibit-balikat naman ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces ang mga batikos ng pamangkin sa kaniyang anak.
 “Well that is her opinion. I have nothing to say about that,” pakli  ni Ms. Susan.
Sinasabing inggit  diumano ang pinag-ugatan sa pag-agaw ng eksena ng aktres dahil na rin sa usapin ng mana sa kanilang pamilya.
 Matapos ang ilang taon na hidwaan sa pagitan niya at ng kaniyang mga kaanak, muli na namang lumilikha ng ingay si Sheryl  nang kuwestyunin nito ang planong pagtakbo ng pinsan sa pagkapangulo sa susunod na taon.
Matatandaang isang dekada ring hindi kinausap ng mga kaanak niya si Sheryl kabilang na sina Geneva at Sunshine Cruz matapos itong hindi umuwi sa bansa noong namatay ang amang si Ricky Belmonte noong 2001.

 Hindi dumalo ang aktres sa deklarasyon ng kandidatura ni Grace sa UP noong nakaraang linggo at sa halip ay nagpa-interview pa ito sa media at binatikos ang pinsan sa umano’y pagiging hilaw pa nito upang maging pangulo ng bansa.
Nagpakita naman ng suporta ang kapatid ni Sheryl, na si Renzo kay Grace at sinabing maliban kay Sheryl, nakasuporta ang kanilang buong angkan sa kandidatura ng anak ni Da King, Fernando Poe, Jr.

 Una nang sinabi ng Movie Queen na si Tita Swanee  na  kilala niya ang anak at hindi ito susuong sa isang tungkulin nang hindi ito pinaghahandaan at pinag-isipang mabuti. 

No comments:

Post a Comment