Tuesday, September 22, 2015

NAG-TEXT SI JOHN LLOYD CRUZ

PLS FOLLOW MY BLOG: http://roldancastro2015.blogspot.com



Bihira ngayon sa mga sikat na artista ang makatanggap ng text ang reporter dahil nagpapasalamat sa mga naisusulat sa kanya.
Kamakailan ay nag-text sa amin  ang actor ng sitcom ng “Home Sweetie Home”  na si John Lloyd Cruz.  Amazing para sa amin na isang JLC ang magte-text at talaga namang nasorpresa kami at naging masaya.
“Hi Roldan, si John Lloyd to. Kumusta na? Nagpapasalamat lang ako sa write up mo. Sana makabisita kayo ulit sa set namin sa sitcom. Ingat lagi.”

Hindi rin nawawala sa top 10  na pinakamataas ang ratings ang comedy show niyang “Home Sweetie Home”  sa lahat ng programa ng ABS-CBN 2  buwan-buwan. Napapanood ito tuwing Sabado.

No comments:

Post a Comment