Wednesday, September 23, 2015

STARSTRUCK , KUWENTONG HUGOT

PLS FOLLOW MY BLOG: http://roldancastro2015.blogspot.com


Ngayong Huwebes, hugot pa more ang sigaw sa Starstruck.  Kaya’t ang mas matitindi pang emosyon at rebelasyon, huhugutin na.  Ang sabi niya, “sinabon ko naman, ayaw kuminis!”  Si Ayra Mariano ng Bulacan, ishe-share na ang mga pinagdaanan bago nasabi ang sikat na linyang ‘yan, kasabay ng pagpapakita ng talento sa pagkanta.

Isang madilim na nakaraan ang gusto nang kalimutan, pero sa halip na talikuran, ang sabi ni Chat Bornea ng Cebu… ‘Haharapin ko na ‘to ng buong tapang!’ Mas kilalanin si Chat, at mamangha sa kaniyang paghataw sa isang solo dance performance.

Maganda at talented pero kung hugot at hugot lang naman ang pag-uusapan, talagang kargado si Liezel Lopez ng Olongapo.  Ipamamalas pa ang angking talento sa pag-arte in a drama scene na hugot mismo sa buhay niya.


Palaban si Klea Pineda ng Caloocan pero saan ka kukuha ng lakas sa laban kung ang dalawang taong mahal mo ay mas mabigat pa ang hugot sa’yo? Pakinggan ang kaniyang life story at ang nakaka-antig niyang song rendition na para sa kaniyang ama at lolo.

Mahilig magpatawa, pero may itinatago nga ba ang kuwelang si Carl Cervantes ng Rizal? Abangan ang komedyanteng hopeful na ito sa kaniyang acting sequence na may pampakilig na hugot.


Lahat ng kuwentong hugot na ‘yan, plus talent showcases na dapat tutukan ngayong Huwebes sa Starstruck, 5:50pm sa GMA7.


No comments:

Post a Comment