Monday, September 21, 2015

Vice Governor Daniel R. Fernando named as 2015 Outstanding Local Legislator

Matagal  na ring hindi napapanood sa pelikula si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.  Huli siyang napanood sateleseryeng “MulingBuksanAngPuso” ng ABS-CBN.  Ilang teleserye na rin at pelikula ang nakatakda sana niyang labasan noon, pero dahil na rin sa kanyang panunungkulan ay hindi na lang natuloy.  Pinanghinayangan niya ang nasabing pagkakataon, pero tanggap niyang gipit siya sa kanyang sitwasyon ngayon.
Hindi naman nawawala ‘yung interes niya sa showbiz pero mahirap daw  ang situwasyon niya na pagsabayin ang pag-aartista at politics.
“Hindi ko intensiyon na iwanan ang showbiz. Nagkataon lang, na dinala rin ako ng kapalaran ko namapunta sa ganitong panunungkulan.  Bata pa ako ay pangarap ko rin naman ito, kaya isang malaking pasasalamat na nabigyan ako ng pagkakataon at pagkatiwalaan,” deklara niya.
“Ito ngayon ang isang nagpapasaya sa akin. Kung masarap ang pakiramdam na sa showbiz ay binibigyan ka ng pagkilala dahil mayroon kang ginawang maganda, ganu’n din naman ngayon kung nasaang larangan ako.  Kaya nakakatabang puso ‘yung mabigyan ka ng pagkilala, dahil okey ang ginawa mo.Parang ito ang kapalit, na dahil naisasakripisyo ko nga muna ang showbiz career ko, kaya may magagandang resulta naman ang ginagawa kong paglilingkod sa aking mga Kababayan sa Bulacan.”




Samantala, pinarangalan ng Superbrand Marketing International, Inc., (SMI) si Vice Governor Daniel R. Fernando bilang  Outstanding Local Legislator of 2015 na ginanap sa City Club Ballroom sa Makati City, kamakailan. Kasabay niyang naparangalan ay si Hon. Ramon “Jolo” Revilla, III of Cavite.
Pangalawang taon  na ito ni Vice Gov na pinarangalan
bilang Most Outstanding Local Legislator dahil sa kanyang  programa at proyekto gaya ng  Damayang Filipino “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo” Livelihood Program,  Dunong Filipino Legal Mission, Dugong Alay ng Bulakenyo, Damayang Filipino Computer on Wheels, Call Center Training Program and  Medical Mission and Feeding Projects in the province of Bulacan.

Congrats!

No comments:

Post a Comment