Sunday, September 20, 2015

PAGMAMAHALAN nina JACKY WOO at BELA PADILLA sa PELIKULANG TOMODACHI KAABANG-ABANG


PLS FOLLOW MY BLOG: http://roldancastro2015.blogspot.com
Pag-ibig ang sentro ng kuwento sa bagong pelikulang“TOMODACHI” (Nihongo for friend) na pinagbibidahan ng Japanese actor na si Jacky Woo at young actress na si Bela Padilla. Isa itong kuwento ng pagmamahalan na nabuo sa pagitan ng isang Hapon at isang Pilipina noong panahon ng World War 2. Mula isa sa direksiyon award-winning filmmaker na si Joel Lamangan.

Mula rin sa konsepto ng batikang director na si Lamangan, ang story at script ng Tomodachi ay isinulat ni Enrique Ramos. Nang ikinuwento ni Direk Joel kay Jacky ang kanyang proyekto ay hindi nagdalawang isip ang Japanese actor na iprodyus ito sa ilalim ng kanyang Global Japan Productions. Napag-alaman na paborito ni Jacky Woo ang obrang "Aishete Imasu (Mahal Kita) 1941" ni Lamangan. Sa katunayan may personal na kopya ang mahusay na Japanese actor ng nasabing pelikula.

Sa unang pagsasama nina Woo at Lamangan, inaasahan ang mahusay na pagganap sa Japanese actor na minsan ng na-nominate sa Gawad Urian bilang Pinakamahusay Na Aktor para sa pelikulang " Walang Hanggang Paalam" na dinirehe ni Paolo Villaluna. Si Direk Joel ay kilala bilang "actor’s director.” Hindi na rin mabilang ang mga artista na naipanalo niya sa iba't-ibang award giving bodies. Kaya kaabang-abang ang akting na ipapamalas ng Japanese actor sa bagong obra ni Lamangan.

Hindi rin matatawaran ang husay ng young actress na si Bela Padilla na first choice ni Direk Lamangan para magbida dito sa "Tomodachi". Si Bela ay nanalo ng Best Supporting Actress Award mula sa Gawad Tanglaw at Famas Awards para sa pelikulang 10000 Hours.

Bukod kina Bela at Jackie, kasama rin sa pelikula ang multi-awarded actor na si Mr. Eddie Garcia, Pancho Magno, Hiro Peralta, Jim Pebanco, Lui Manasala, Elora Espano, Sue Prado at ang Japanese actor na si Shin Nakamaru.

Tuloy-tuloy ang shooting ng TOMODACHI sa kasalukuyan at inaasahan na matapos ngayong Oktubre. Isasali sa mga International Film Festival at ipapalabas rin ang pelikula sa Pilipinas at Japan.




No comments:

Post a Comment