Wednesday, September 23, 2015

DENNIS TRILLO AT JENNYLYN MERCADO, MAY TAMPUHAN? ('MY FAITHFUL HUSBAND,' AYAW NA PAHABAIN?)

PLS FOLLOW MY BLOG: http://roldancastro2015.blogspot.com


Hindi ba nagkakapikunan  sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa mga eksena nila  sa “My Faithful Husband”?
“Hindi naman kasi hindi naman nangyayari  ‘yun sa amin sa totoong buhay. Alam naman namin ‘yung mga eksena na nakasulat sa script. Professional kami pareho,” pakli ni Dennis.
So, okey sila ni Jennylyn at hindi totoong may tampuhan sila kaya magkahiwalay sila ng tent?
“Okey na okey,” mabilis niyang sagot.
“Wala kaming tampuhan. Ganoon talaga ang set-up namin sa mga tapings. Magkahiwalay talaga. Hindi kami magkasama sa isang tent o isang standby area.
‘Yung sa lalaki at sa babae magkakahiwalay,” paliwanag pa niya.

Hindi  ba talaga totoo na nagde-deadmahan sila ngayon?
“Wala. Hindi totoo ‘yan,” sey pa niya.
Ano ang reaksyon niya sa isyung gusto raw i-extend  ng management ang serye pero  ayaw  na raw ni Jennylyn?
“ Kasi ano,eh, marami rin siyang mga projects.. mga movies. Siguro nagkaproblema sa schedule.Hindi ko alam,” sagot ni Dennis.

Pero nilinaw ng magaling na actor na wala namang problema sa kanila ni Jen kaya ayaw na diumano ng huli na pahabain pa ito?



MY FAITHFUL HUSBAND
PROGRAM HIGHLIGHTS
 (September 24-25, 2015)
-          Gusto man makipagbalikan ni Mel kay Emman, ayaw naman itong umuwi kay Cedes lalo na at nagdududa ito kay Aaliyah, but Emman says nagbago na si Cedes at mabait na ito kay Aliyah. Matigas pa rin si Mel sa kanyang tingin na hindi na babalik kay Cedes, gayon din si Emman na mas makakabuti na umuwi na sila ni Mel.

-          Maabutan ni Dean ang tension sa asawa, sasali ito at makiki-awat. Magpapalamon si Emman sa galit niya at susuntukin nito si Dean! Magrarambulan ang dalawa.
-          Aawat si Mel sa away ni Dean at Emman. Papaalisin niya si Dean.
-          Hindi sasama si Mel kay Emman. Babalik lang daw si Mel kapag may ibang Bahay na silang pupuntahan maliban kina Cedes.
-          Patuloy ang pagsusulsol ni Cedes at Carmen sa kanilang mga anak na tama lang na hindi muna sila magkasama.
-          Mami-miss ni Mel ang mga anak. Isang gabi ay tatawagan ni Emman si Mylene para makausap ng mga bata si Mel. Miss na miss na ng mga bata ang kanilang ina, the children wish na sana magkasama-sama na sila.
-          Masusulsulan ni Soling si Cedes na kahawig ni Aaliyah si Dean at hindi si Emman. Kukutuban na si Cedes at magtitingin-tingin ng mga baby pictures ni Aaliyah para pagbulaanan ang sariling kutob, pero mukhang totoo ang hinala ni Soling.
-          Magkakapatawaran sa telepono si Emman at Mel. Emman says he will work hard para magkaroon sila ng sariling bahay. Maririnig ito ni Cedes at tatapatin si Emman kung iiwan na ba sila.


Day 5
-          Bibisitahin ni Dean si Mel kina Carmen na may dala pang flowers. Gulat si Mel. Ipagtatabuyan niya si Dean but Dean promises everything to Mel, that he will accept her kids dahil gusto niya ang mga ito, lalo na ang panganay ni Mel. Dito hindi na makapagpipigil si Mel, lalo na nang mabanggit ni Dean ang "panganay." Sasampalin ni Mel si Dean.
-          Ipagkakalat ni Soling ang tsismis tungkol kay Aaliyah sa mga kapitbahay, Emman overhears at magagalit.
-          Tatanungin ni Cedes si Lorenz tungkol sa ama ni Aliyah. Hindi naman aamin si Lorenz kay Cedes. Subalit sa pag-uusap ni Elvie, Lorenz, at Mars, Cedes overhears na si Aaliyah nga ay hindi anak ni Emman. Tigalgal si Cedes.
-          Magagalit si Cedes sa panloloko sa kanya ni Mel tungkol kay Aaliyah, pero hindi niya isusuko ang bata dahil marami na silang ginastos para kay Aaliyah. Nakiusap si Lorenz na huwag nang idamay ni Cedes ang bata.
-          Bibisita si Mel sa Bahay ni Cedes para silip ina ng mga bata, pero di siya makapasok. Nagbilin na lang ito kay Doyee na batayan ang mga bata lalo na si Aaliyah. Taka naman si Doyee kung bakit special mention si Aaliyah.
-          Bumalik si Mylene sa bahay from work only to find out sa katulong na umalis daw si Mel mula nang dumating daw ang lalakeng may sasakyan at may dalang bulaklak. Inis si Mylene dahil sa akalang ginawa ni Mel.
-          Magkakatagpong landas si Emman at Arnaldo. Arnaldo is willing to give contacts to help Emman sa flower business. Emman is hesitant pero Arnaldo insists and leaves his number. Mapapaisip lang si Emman.
-          Mababanggit ni Lorenz na sinabi na niya kay Cedes ang tungkol kay Aaliyah. Nag-aalalang uuwi si Emman.

No comments:

Post a Comment