Tuesday, September 22, 2015

EDDIE GARCIA, LANTARAN ANG PAGSUPORTA KAY SEN. GRACE POE


Sa nalalapit na Presidential election, mukhang mahahati na naman ang showbiz. Siguradong meron magkakatampuhan dahil bago dumating ang  botohan ay lalantad sila.
How true na hinarang  ng isang kamag-anak ang showbiz   ouple na dumalo  sa declaration ng isang presidentiable? Ilang oras na lang ay napigil pa lalo’t may posisyon ang actor sa gobyerno.
Usap-usapan din ang aktres na pinsan ng isang presidentiable na ayaw sa kanya at mukhang susuporta sa kabilang partido.
Hinuhulaan naman na maghihiwalay ang mag-bestfriend na sikat  na  actor at  sikat na gay tv host/ actor ng susuportahan. Pinaniniwalaan na ang sikat na gay –tv host ay sasama sa  best friend niyang actress-tv host samantalang ang  sikat na actor  ay kay Sen. Grace Poe dahil malapit ito kay Susan Roces.
May mga narinig din kaming plano sa isang presidentiable kung kailan lulutang ang mga sikat  na artista at lalantad sa pag-endorse. Nakakalula kung sino sila.
Pero si Eddie Garcia ay very vocal sa pagsuporta kay Grace Poe. Itutuloy niya kung ano ang support na ibinigay niya noon kay Fernando Poe Jr.
“ Tutulungan ko rin siya  habang kaya ko. . Alam naman ni Susan din 'yun. Tsaka si Chiz (Escudero, running mate ni Poe). Parang apo ko na 'yun, eh, tsaka inaanak ko sa kasal. Napakagaling niya, may utak at may puso,”  deklara ni Eddie nang makatsikahan siya sa presscon ng pelikulang “Tomodachi” na kung saan ay tampok sina Jacky Woo, Bela Padilla, Pancho Magno, at Hiro Peralta. Ito ay sa direksyon ni Joel Lamangan. “Napakaganda ng mga pinaplano ni FPJ noon, e. At sa palagay ko, kayang ipagpatuloy iyon ni Senator Grace.Nakapanghihinayang nga at wala na rin si Dolphy,”  sambit pa niya.
Naniniwala si Eddie na deserving na maging pangulo si Sen. Grace.
"Oh yeah, 'cause her heart is in the right place,” bulalas niya.
Pinuputakti ng mga bashers si Sen. Grace sa sinasabi niyang ipagpapatuloy niya ang nasimulan n FPJ.
“Siguro, ang ibig sabihin ni Senator Grace dyan, ipagpapatuloy niya ang nasimulan ni FPJ na pagbuklurin at pagka-isahin ang lahat ng Filipino,”  aniya.
Pinanindigan din niya na hindi niya tatalikuran ang support kay Senator Grace kahit may mag-offer pa sa kanya na ibang kandidato.
“Hindi ako sasama kahit magbayad sila, dahil na kay Senator Grace na ako,” pahayag pa niya.
Anyway, bukod  sa Tomodachi,  kasama rin siya sa pelikulang  “Iadya Mo Kami”  ni Direk Mel Chionglo na pinagbibidahan nina Allen Dizon, Diana Zubiri,  Aiko Melendez at Ricky Davao.
Sinabi rin ng premyadong actor-director  na never pumasok sa isip niya na pasukin ang politics. Lahat ng offers ay tinanggihan niya.
"Hindi ko iniisip, eh, it's not my cup of tea. Hindi ko linya, eh," sey pa niya

No comments:

Post a Comment