Sunday, September 20, 2015

ALDUB NATION, HATAW SA TWITTER


PLS FOLLOW MY BLOG: http://roldancastro2015.blogspot.com

Ibang klase talaga ang Aldub dahil kahit ang American singer ng kantang “God Gave Me You” na si Bryan White ay nag-follow na rin sa Twitter Account nina Alden Richards at  Maine  Mendoza. Isa  ito sa kantang sumikat  na kung saan ang-dubmash si Alden. Ginamit din ito sa isang commercial ng Aldub.
Nu’ng una ay nagtanong pa si Bryan sa mga Pinoy fans na nagti-tweet sa kanya kung ano ang Aldub? Kung wedding daw ba ito?
Pero  nu’ng bandang huli nire-retweet na niya ang mensahe ng mga Aldub fans lalo na pag may kinalaman sa kanta niya.
Samantala,nag-break na naman ng record sa Twitter World dahil malapit nang umabot sa 13 M tweets ang hashtag na #ALDUBMostAwaiteddate.
Date  pa lang ‘yan, paano na kung nagkita sila sa takdang panahon?
Nagpasalamat naman sina Alden at Maine sa kanilang Twitter Account sa Aldub Nation dahil
Sa trending na naman ang kanilang first date sa kalyeserye ng “Eat Bulaga”. Halos doble na sa dati nilang record.

‘Yan ang sinasabi namin na hindi ka puwedeng makipag-argue sa  success ng  Aldub at kuwestiyunin  kung ano ba ang accomplishment nila kumpara sa kathniel, LizQuin at JaDine.

No comments:

Post a Comment